Chapter 18

6 0 0
                                    

Chapter 18

Seal it with a kiss

Bumitaw si Chase ng yakap at ngumisi bago umalis ng kusina. I swear, my face is red as tomatoes right now. Bigla-bigla kasing manggugulat ng gano'n si Chase, I wasn't even prepared for it!

Natapos akong maghugas ng plato at pinaglalagay iyon sa lalagyanan. Binanlawan ko muna ang sponge at nilagay din iyon sa tamang lalagyan. May naririnig akong yapak sa hagdanan at si Tita Kristen iyon kasabay ni Sir Gregory.

"Seah! Naku, naghugas ka pa ng pinggan!" ani tita. She's back with her normal voice.

I shook my head and swayed my arms to tell her that it was fine. "Ayos lang po, tita. Okay na po ba 'yung lagay niyo?"

Tumango siya at ngumiti sa akin. "Ayos na 'ko, naparami na naman siguro ako ng kain kaya naging masama ang pakiramdam ko."

"Nasaan si Claude, Seah?" tanong ni Sir Gregory.

"Lumabas po, sir, hindi ko po alam saan nagpunta," I said.

"Tito na lang, Seah, kapag wala tayo sa paaralan."

I nodded. Pumasok si Chase na hingal na hingal at pawis na pawis ang noo. Saan nanggaling ito? Napakatirik ng araw sa labas at mukhang tumakbo pa siya pauwi rito.

"Saan ka nagpunta?" I asked him.

Hindi niya pinansin ang tanong ko. "Ma, Pa, punta lang kami ni Seah sa likod."

Hinila niya ang kamay ko at dinala ang aming mga gamit. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at kung saang 'likod' ang sinasabi niya.

"Hey, Chase, where are we going?" tanong ko muli.

"Malapit na tayo, just wait and see," sagot niya.

Medyo malayo na kami sa kanilang bahay ngunit tanaw ko pa rin iyon. Pumasok kami sa isang daan at doon ko nalasap ang ganda ng Alestria. May rumaragasang malinaw na tubig sa ilog, nakapalibot ang iba't ibang klase ng puno sa paligid, mayroong isang lamesa at palapad na upuan sa gitna.

"Ito ba 'yung pinaghandaan mo?"

Tumango si Chase. "Nilinis ko lang 'yung lamesa. Hindi na kasi ako med'yo nakakapunta rito dahil busy sa training, pero ito 'yung ginagawa kong study place."

"This is the perfect place to release stress," I said.

Napaka-peaceful ng pinakita niya sa aking lugar. Ang rumaragasang tubig lang sa ilog ang maririnig mo dahil sa katahimikan ng paligid. Tourist must really visit Alestria, it is the perfect place to release your happiness and nostalgia.

"Should we start?" I asked.

Tumango siya at nilabas ang kaniyang gamit. Napalunok ako bigla nang makita ang isang scientific calculator, yellow pad, at ang kaniyang ball-pen. I'm praying hard for my brain to handle these equations.

"I can't do this anymore," aniko kahit na kakasimula pa lang namin.

Para akong masusuka sa mga pinagsasabi niyang formulas. He chuckled and pinched my cheeks. I pouted at him.

"Listen carefully, Seah. Hindi mo maiintindihan kung hindi ka makikinig ng mabuti," aniya.

I pouted even more. "Nakikinig naman ako, ah."

"Hindi mo ako madadaan sa pagpapa-cute mo." Tumawa siya. "Palagi mo nga akong tinitingnan, hindi ka naman nakikinig."

"I'm not looking at you!" tanggi ko.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon