Chapter 14

6 1 0
                                    

Chapter 14

Close

Chase’s brother is so funny and innocent. Magka-iba silang personalidad ni Chase sapagkat nakikita kong extrovert itong kapatid niya, samantalang siya naman ay introverted.

Halatang naiirita na ‘yung kapatid niya kanina pa dahil palagi itong pinagtitripan ni Yohan. Salitan sila ni Quen sa pang-aasar kay Carl.

“Carlito, chiks ba ‘yung pinopormahan mo kanina?” tanong ni Yohan, with full of sarcasm.

Inirapan siya ni Carl. “Kuya Yohan, kelan ka ba maninigil kakatawag sa ‘kin ng ‘Carlito’? Matu-turn off sa akin niyan si Ate Seah,” sabi niya sabay tingin sa akin.

I looked at Chase and he’s glaring at me. Kumunot ang noo ko at binigyan siya ng ‘what are you up to’ look. Bumaling naman ako kay Carl ngayon na nakangiti sa akin gamit ang inosente niyang mukha. I also smiled at him, ang cute niya masyado.

“Akala ko ba si Kailey ‘yung crush mo? Ba’t naging si Seah naman ngayon?" tanong ni Quen naman sa kaniya.

Pumula ang pisngi ni Carl. Halatang may gusto ito sa pinsan kong si Kailey. Tumawa lang si Kailey at pinisil ang pisngi ni Carl na mas lalong kinamula nito. Napatawa kaming lahat maliban kay Chase na busangot pa rin ang mukha.

“A-ah ano, hindi ba pwedeng dalawa ‘yung crush?”

Napa-aray sa sakit ulit si Carl nang batukan siya ng kapatid niya.

“Kelan ka pa natutong maging playboy?” aniya. “’Di ba sabi ko sa ‘yo pag-aaral muna atupagin mo? Kabata-bata mo pa.”

Tumawa si Yohan. “Oo nga, Carlito. Tsaka taken na ‘yang si Seah, ‘no.”

My brows furrowed. Anong taken?

“May boyfriend ka na, Ate Seah?” Carl asked, innocently.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa bata. My eyes caught Chase who’s drinking the Jack Daniel’s he bought. He suddenly winked at me, convincing me to say yes to his brother.

“U-uh, yes, may boyfriend na ‘ko, eh,” I lied. Oh shoot, I don’t even remember when was the last time I lied to someone.

“Ay, sayang.”

“May boyfriend ka na pala, ate?” tanong ni Yasmin na nasa tabi ko lang.

Si Leah ay humahagikhik dahil alam ang katotohanan. Curious din ang mukha ni Kailey katulad na lamang ni Yasmin na naghihintay ng sagot ko sa tanong niya.

Umiling ako. “Wala, palusot ko lang ‘yon,” I said and slightly laughed.

Inakbayan ako ni Leah. “Hay nako, Seah Louise! You are so manhid!” aniya na mukhang lasing na.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. “Bakit?”

“Wala! Parehas talaga kayo ng pinsan mo! Lumalagpas na nga sa linya, hindi pa rin pansin.”

Napatigil kaming lahat sa aming ginagawa at pinag-uusapan nang biglang umulan. Instead of going inside the house, Yohan jumped onto the swimming pool with his drink. Lahat naman sila ay ginaya ang ginawa ni Yohan na maligo sa pool habang umuulan.

Nanatili ako sa aking inuupuan. Akala ko ay mag-isa na lang ako rito ngunit hindi pala sumama si Chase sa kanila. Lumapit sa kina-uupuan ko si Chase at nilapit din niya ang table kung saan nakalagay ang mga liquors.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon