Prologue

27 2 9
                                    

Prologue

"AHH!" I shouted in pain when my head started aching.

Halo-halo ang emosyon kong hinawakan ang sentido ko habang malapit nang bumuwal sa aking kama. I don't know what to do. I don't know how should I handle this situation I've been now.

Hindi ko na natiis ang sakit at napa-upo na sa sahig. I heard shouting voice from afar. Bumukas ang pintuan at nakita ko ang nag-aalala na mukha ni mommy ang bumungad sa akin.

"Seah!" she shouted, "what is happening, anak?"

"M-Mom, a-ang sakit."

She started panicking when I placed my hand in my head. Nanginginig ang bawat kalamnan ko. Hindi ko alam kung paano ko patitigilin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, na ngayong nanghihina ako.

"M-Mom," I said and everything went black.

"We need to perform a surgery as soon as possible."

"Ms. Beatriz, hindi po natin kayang pataglin ito, her tumor is quickly growing."

Minulat ko ang mata ko at unang nakita ang putting kisame. I'm at the hospital right now? Umungol ako at doon ko narinig ang pagtawag ng pangalan ko. Hindi ko na nararamdaman ang sakit ng ulo ko at baka napawi ito nang pagkatulog ko.

"Seah, don't move!" I heard mom.

"Mom? Where am I?"

"You are not on the hospital. Pinatawag ko na lang si Doktora para ipatingin 'yung nangyari sa iyo kanina."

Hindi ko sinunod ang sinabi ni mommy na manatili sa higaan. Sumandal ako at kinusot ang mata ko. I can clearly see them now. Nakita kong umupo si mommy sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay.

"Seah, anak... Did you take your medicine earlier?" she asked.

Natahimik ako. I admit it, I didn't take any medicine to control my symptoms. Nakalimutan kong uminom ng gamot kanina kaya't sumakit na naman ang aking ulo.

"No, mom, nakalimutan ko."

"You should monitor your daily schedule, Seah."

"Yes, doc, I understand. I am so sorry."

Napatingin ako sa orasan. It is 8 PM. I'm late for school. Tumayo ako at kinuha ang bag ko na nasa couch. Yes, I'm still studying despite my current situation. Kaya ko naman at mas lalo kong kakayanin... para sa kanya.

"Where are you going, Seah? Don't tell me you are going to school to meet that damn guy again!"

"Mom, please! Let me! I shouldn't waste any time, my life is at risk, payagan niyo naman po akong magpakasaya kahit ngayon lang..."

"Anak, he is the one who's bad for you. Tantanan mo na siya, please lang!"

"I'm sorry," I said and walked away.

Mom controlled my life these past years. Hindi ko na kayang sundin lahat ng utos niya. Hindi ko na kayang pakisamahan ang mga gusto ni mommy sa buhay ko. I want to be an independent. I want to make decisions by myself without anyone's help.

"May masakit ba sa'yo? Bakit kanina ka pa yata tahimik d'yan?"

Bumalik ako sa pagkatino. Hindi ko alam kung bakit kanina pa ako nakatulala. Tiningnan ko siya at ngumiti. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Okay ka lang, Seah? Sabihin mo sa akin kung may nararamdaman kang masakit."

Umiling ako. Wala akong nararamdaman pero may bumabagabag sa isipan ko. I really felt so guilty. Paano kapag nalaman niya? Iiwan niya na lang ba ako? Hahayaan niya na lang ba ako danasin lahat ng 'to?

"Chase," I called him.

"Hmm?"

"Sa tingin mo kakayanin mong wala ako sa tabi mo?"

Tumitig siya sa akin. Lahat ng saya sa mata niya kanina ay napawi nang sabihin ko iyon.

I'm so sorry. Gusto kitang makasama hanggang sa huli, pero hindi ko alam kung paano.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon