Chapter 8

8 1 0
                                        

Chapter 8

Part-time job

Isang linggo agad ang lumipas simula noong lumipat kami rito ni mommy sa Alestria. Naging mas madali sa akin ang pagpasok sa Alestria High sapagkat marami na akong ka-close roon. Si mommy ay naging abala sa pagbukas ng dating business nila, sa pagkakaalam ko ay tungkol iyon sa agricultural.

Mas lalong naging mahirap ang communication namin sa Manila. Wala na akong balita sa mga dati kong kaibigan doon pati na rin sa ibang mga kakilala. Even my dad is very busy on his career that's why he ain't sure if he will come here in Alestria. Madami siyang naging mga kaso at abala siya sa pag-ha-handle no'n. At siguro ay tuwang tuwa ngayon si mommy dahil hindi niya makikita si daddy ng ilang buwan.

Sobrang busy na rin ngayon ng mga tao sa Alestria High. Ani Leah, paparating na raw ang mga school events na ginaganap taon-taon. I have no idea what are their plans on this school year but I think it will be fun.

My phone rang. Nakita kong si daddy iyon.

"Hey, dad," bungad ko.

"How are you?" he asked.

"Nah, I'm fine, I'm heading to school now."

"How's school there? And how's your mom? Hindi ka ba niya inaaway d'yan? I'm here, so far away, wala kang kakampi," he chuckled.

I chuckled too. "Everything's fine, dad, I miss you."

"I miss you too, my Seah. I'm kinda sad, hindi ko kayo masundan d'yan." 

"Take a vacation, dad, and come here," I said. "I'll hang up now, naghihintay na si Kuya Philip sa akin."

"Okay, take care, Seah."

"You too," sambit ko at binaba ang tawag.

"Sino 'yung kausap mo, Seah?" Nakita ko si mommy na palapit sa dining table.

"It's dad, nangangamusta lang," sagot ko.

Nag-iba ang timpla ng mukha ni mommy. "Sa susunod na tumawag siya sabihin mo kung napipilitan lang pumunta rito, 'wag na lang siyang pumunta," sabi niya at umalis sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mommy. Tsk, another fight again with dad? I wonder if dad called on mom. Hmm, suspicious...

"Mom, aalis na po ako, see you later!" sigaw ko at pumunta sa garage ng aming bahay.

Binati ko muna si Kuya Philip at sumakay sa likuran ng kotse. While he is busy driving, ako naman ay hindi mapakali sa kaka-isip sa nangyari noong nakaraang linggo. It's not special of course, I just had another friend...

Nanatili kami roon hanggang sa mag-alas singko. Dapat ay kanina pa ako umuwi kung hindi ko sinundan itong lalaking nasapak kanina. Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ko nagawang sundan siya rito sa likod ng Alestria High na puro tambak ng lumang upuan at sirang mga kagamitan.

"Puwede na ba? I'm probably doomed now," sabi ko sa kanya. 

I saw him smirked. "Bakit ba kasi susunod-sunod ka sa akin? Baka ako pa sisihin mo d'yan kung mapagalitan ka."

"Hell, yes! Talagang ikaw ang sisisihin ko," umirap ako.

Mas lalong lumawak ang ngisi niya. He is kinda crazy now.

"Parte ka rin ba ng fans club ko? Kaya siguro sinundan mo ako."

Literal na napanganga ako. "Ang kapal naman ng mukha mo. I just came here because I'm worried, baka kasi nabasag na 'yang mukha mo sa suntok ni Owen."

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon