CHAPTER - 9

73 9 2
                                    

Nicolai's POV

"Lauren! " i said as i ran towards her direction.

Kakahatid ko lang kay Miles sa kwarto nila ng makita kong hawak hawak ni Lauren ang kwelyuhan ni Bryle at magkalapat ang labi nila.

Dug.dug.Dug.dug.

Bakit parang hindi ko gusto ang nakikita ko? Hindi lang ito ang unang beses na makita silang naghahalikan ni Bryle. I saw them on a parking Area. Pero ito ang unang beses na nakaramdam ako ng kakaibang sakit.

Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin. Naiinis ako kapag malapit si Bryle kay Lauren. Pero naiinis naman ako kay Lauren kapag nagseselos sa kanya si Miles.

I know im inlove with Miles at handa kong gawin ang lahat mapasaya ko lang siya.

Lumapit ako kina Bryle na mukhang nasalo naman niya si Lauren. Kukuhanin ko na si Lauren sa kanya para ako na ang magbuhat at maghatid sa kwarto nila.

"Bumalik kana dun Bryle ako na ang bahala kay Lauren. Ibinilin rin naman siya sa akin nina Tita Sam." Pagsisinungaling ko. Kusang loob kong gustong kuhanin si Lauren.

"Tsk. Hindi mo kailangang ipagduldulan sa akin na malakas ang kapit mo sa buhay niya. Ako na ang bahala kay Lauren. Wag kang mag aalala hindi ko naman siya pag sasamantalahan katulad ng iniisip mo." As he smirk at me.

I close my fist at nag pipigil ng sarili.

"I dont need to confess the connection between our families perhaps nakakalimutan mo o kaya hindi ka aware. And please stop playing her around Bryle. Hindi siya katulad ng mga babaeng nagkakarandapa sayo." I firmly talk to him. At nag tangis ang mga bagang niya as he look pissed.

"Hindi ko alam pero sa pag kakaalam ko sigurado ako sa mga ipinapakita ko kay Lauren at ang gusto ko lang ay ang mapasaya siya kaya kung ako sayo si Miles nalang ang atupigin katulad ng palagi mong gingawa sa harap ni Lauren. " sagot niya at binuhat na pa bridal si Lauren na walang malay.

Tsk. Lalo akong nagpuyos sa galit sa sinabi ng Bryle na yun. Sino ba siya para sumulpot ng biglaan at bigyan ako ng pangaral sa kung paano at sino ang aasikasuhin ko.

Lumakad na ako sa kwarto at humiga sa katre katabi ni Marcus.

-----

"Nicolai , pre bangon na tayo kailangan na nating mag ayos at mamaya pa ay magsisimula na ang mahabang araw natin." Gising sa akin ni Marcus.

Medyo masakit ang ulo ko dala ng ininom namin kagabi. At tinatamad pa akong bumangon. Nakita ko si Bryle na bumangon na at lumabas na kaagad ng kwarto. Sumunod na ako pagkatapos kong ligpitin ang hinigaan namin.

Naabutan ko si Bryle na katabi si Lauren na mukhang wala sa mood. Siguradong masakit rin ang ulo niya. Uminom na kaya siya ng kahit na anong makakapagpaalis ng hang over niya.

"Goodmorning Babe. I dont know if makakaya kong mag work today. Ang sakit ng ulo ko. Parang isinuka ko na lahat ng kinain ko sa loob ng isang buwan." Napangiti naman ako sa sinabi ni Miles habang nakayakap sa akon. Hindi ko napansin ang pagdating niya kung hindi niya ginawa ang pagyakap sa akin.

I lean to her and kiss her lips. That is why i love this person masyadong malambing.

"Goodmorning Babe come on lets drink coffee para mawala ang hang over mo." I said as i hold her hand at naglakad palabas kung saan sila nakaupo.

"Ice Queen naman kasi. Pansinin mo na ako. Promise magpapakabait na ako." Psh. Hindi niya pa rin talaga tinitigilan si Lauren.

"Babe matatapunan na yang sinasalin mo. Kanino ka ba nakatingin. Ako na nga diyan." Sabi ni Miles kaya napatingin sila Lauren sa akin at nagtama ang tingin namin pero iniiwas niya ang kanyang mga mata.

Out Of My LEAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon