CHAPTER - 16

87 11 1
                                    

Jhared's POV

"Okay na siguro ito."  Ibinaba ko na ang barbel na dala. Nag wowork out ako sa mini gym namin dito sa bahay. Its Sunday, gusto ko sanang sa labas na mag work out kaso napaka lakas ng ulan mula pa kahapon.

Dumiretso na agad ako sa comfort room para maligo at mag shave ng balbas at bigote na medyo tumutubo na muli.

Wala naman kaming plano ni Lauren ngayong araw dahil bukod sa nakakatamad kumilos ay may bagyo pa. Lalo tuloy lumamig dito.

Ano kayang ginagawa ni Lauren? Tulog pa kaya siya? Noong silipin ko kasi siya kanina sa kwarto ay tulog na tulog pa siya.

Lumabas na ako para puntahan siya sa katabing kwarto , kakatapos ko lang kasing maligo. Nang buksan ko ito, ay wala ng Lauren na nakahiga. Mukhang bumangon na rin siya. Napatigin ako sa orasan, 8am palang at maaga pa.

Napapangiti pa rin ako sa tuwing naalala ko ang mga nangyari sa amin dito sa kwarto niya. Hindi lang isa o dalawang beses ko siyang inangkin kundi maraming beses.

Hindi ako nagsasawang angkinin siya ng paulit ulit at markahan ang buong bahagi ng katawan niya. Mas lalo kong minamahal si Lauren.

93 days nalang ang natitira sa amin ni Lauren pero naging mabilis ang pangyayari sa amin. Hindi ko aakalain na ibibigay niya sa akin ang kanyang sarili. Ako ang una niya at sisiguraduhin kong ako ang magiging huli niya.

Bumaba na ako para hanapin si Lauren ng makasalubong ko si Manang mula sa kusina.

"Hijo, bumabaha na raw sa aming barangay at naglilikasan na ang mga tao. Maari ba akong umuwi muna para alamin ang kalagayan ng mga anak ko? Tumawag na rin ako kay Maam Sam at ipasusundo niya daw ako sa driver niya. Ikaw na muna ang bahala dito at sa asawa mo ha. Aalis na muna ako. Baka bukas na ako makabalik. Ikaw na ang bahalang mag sabi kay Lauren" Paalam ni Manang Vergie sa akin at dali daling siyang umalis at sa likod bahay na dumaan.

May daan rin sa likod bahay namin at mas malapit ang daan pauwi kina Manang kung sa likod ang daan at ikot ng sasakyan.

Hindi na niya nagawang mag paalam pa kay Lauren dala ng pagmamadali.

Nagtungo ako sa sala kung saan natagpuan ko si Lauren na nakahiga sa sofa at abala sa pagkain ng popcorn habang nanunuod ng netflix.

Lumapit ako sa pwesto niya pero hindi manlang niya napansin ang presence ko. Tinignan ko siya ngunit hindi niya inihihiwalay ang mata sa tv. Bagong ligo rin pala siya.

Mas lalo akong lumapit para mapansin niya pero hindi niya iniiwas ang mata sa panunuod. Tsk.

"Love. Psssst " umupo ako sa sahig sa tabi ng sofa na hinihigaan niya. Pero hindi man lang ako pinapansin at tuloy lang sa panunuod at pagkain.

Tsk. Ano na naman trip nito? Kabilugan na naman ba ng buwan?

Kukuha sana ako sa popcorn na nasa bowl nang tapikin niya ang kamay ko.

"Magluto ka Red. Wag mo kong abalahin dito. Nanunuod ako." Aba napakasungit naman ng isang ito.

Tumayo ako at sumiksik sa kanya sa sofa na hinihigaan niya na kinainis naman niya agad. Malaki ang sofa na nasa living room namin at kasya ang dalawang tao kapag nakahiga. Pumuwesto ako sa likuran niya para yakapin siya.

"Red ano ba? Umalis ka nga diyan ang sikip na tuloy" . Saad niya sa akin pero hindi ko siya pinansin bagkus niyakap ko siya sa likuran.

"Red move! Ang init na nga nakayakap pa dyan." Inis na saad niya sa akin pero mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Its a cuddle weather my Queen, sigi na hindi naman kita papakielaman sa panunuod mo basta payakap ako." Saad ko at mukhang hindi naman na siya nag protesta pa at ituloy na niya ang panunuod ng series sa netflix.

Out Of My LEAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon