CHAPTER - 14

71 9 3
                                    

Jhared's POV

"Oh my gosh Tobby!!!!!!!" Napatakip ako ng tenga ng umirit si Lauren sa may sala.

Tobby? Sino yun? May lalaki na namang umaaligid sa kanya? Lumabas ako ng kwarto matapos kong maisuot ang uniform ko. I saw her kneeling in the floor while hugging her dog that i gave noong birthday niya.

Pinadala ko siya sa mga staff namin sa bahay kasama na rin ng mga gamit na naiwan ko sa condo. So yung Tobby na tinatawag ni Lauren ay yung aso? Psh. Akala ko may umaaligid na nanaman sa kanya.

Bakit hindi pa siya bihis? Bumaba na ako ng diretso sa hagdanan kaya napatingin siya.

"Bakit hindi ka pa bihis?" Tanong ko sa kanya habang yakap yakap niya ang aso. Tsk. Mas niyayakap pa niya yun kaysa sa sarili niyang asawa Pambihira.

"Because my uniform is not in my closet. Tsk. " Saad niya at naglakad patungo sa kitchen. Hindi man lang ba niya ipapadala?

Sinundan ko siya na abala sa pagkuha ng dog food sa drawer. Tsk. Di man lang ako tanungin kung nag breakfast na ako. Mas inuna pa niya ang aso.

"Hello? Avi? Bryle? " napalingon kaming dalawa sa may sala kung saan nanggagaling ang boses.

Tumayo agad si Lauren para puntahan ito sa sala at kagaya niya ay pumunta rin ako sa pinanggalingan ng boses.

"Mommy! I miss you." Mommy pala ni Lauren ang tumawag sa amin. Nakayakap si Lauren sa mommy niya na para bang isang taong hindi nag kita.

"Goodmorning po Mommy Sam ang aga niyo po atang bumisita?" Lumapit ako para batiin at halikan sa pisngi ang mommy ni Lauren.

"Naiwan kasi ang uniform ni Lauren sa mansyon kaya ako na mismo ang nagdala para naman makita ko ang princess ko." Saad niya sabay pasok ng ilang staff na kasama ni Mommy Sam papunta dito.

"Do you take your breakfast guys?" Tanong nya muli as Lauren shook her head. Psh.

"Tamang tama pala at nagdala na rin ako ng pancakes, bread, bacon, hotdogs, sausages, eggs and fried rice." At sunod sunod na pinasok ng mga staff ni Mommy Sam ang mga ito.

Lumakad na kami sa dining area para mag breakfast. Tahimik ang lahat kaya naman mas mabilis akong nakakain.

"Avi, your dad told me na hindi na muna sayo ipagamit ang kotse mo dahil mas tipid kung sabay kayo ni Bryle na pumasok sa school." Saad ni Mommy Sam na halos mapabuga si Lauren ng kinakain niya.

"What? Pati ba naman yun Mom? Paano kung may personal errands ako?" Nag aalalang tanong niya. Halata namang ayaw niyang sumabay sa akin papasok ng school.

"Then ask Bryle to accompany you and besides he is your husband so he takes care of you. Your personal business is his business too. Okay Avi? Masasanay ka rin." Bumagsak ang balikat ni Lauren sa sinabi ni Mommy Sam.

"Mommy Sam ayos lang naman pong ipadala ko nalang ang iba kong sasakyan sa bahay para may magamit si Lauren sa personal na lakad niya." Saad ko kaya napatingin sa akin sina Lauren at Mommy Sam.

"No Bryle, dont spoil her that much. She can handle it. By the way as i can see kakaunti ang groceries niyo dito so ipamimili ko kayo mamaya after this at ipadadala ko sa staff ko mamaya. Okay?" We just nod and continue to finish our food.

Inayos ko na ang lamesa namin after naming kumaing tatlo. Pinaakyat na ni Mommy Sam si Lauren para makapagbihis kaya naman pumunta na ako sa lababo para hugasan ang kinainan namin.

Out Of My LEAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon