CHAPTER - 15

73 8 3
                                    

Jhared's POV

"Kaya mo bang pumasok ngayon?" Tanong ko kay Lauren na nakahiga pa sa kama niya. Tanghali na pero hindi pa rin siya nabangon.

"I can't . Masakit pa rin ang ulo at katawan ko." Umupo ako sandali sa may gilid ng kama niya para tignan kung nilalagnat pa siya.

Medyo mainit na naman siya. Magdamag na siyang walang lagnat kagabi. Pero ngayon sinisinat na naman siya.

"Im fine Red. Just go to school. Alam kong may final exam kayo today. " tama siya may final exam nga kami ngayon sa major namin. Pero hindi ko naman kayang maiwan siya dito na ganito ang kalagayan niya.

"No it's fine with me. I can call at my Dad's office to tell him that i can't make it to take an examinations today." Saad ko sa kanya ngunit blangko ang emosyon niya. Bakit ba ang hirap niyang basahin?

"Wala ka namang gagawin dito. Matutulog lang din ako maghapon." Sabi niya sa akin at tumalikod na sa akin at humarap sa kabilang direksyon.

Tumayo na ako at naglakad palabas ng pinto. Bumaba ako para kausapin si Manang Vergie at ibilin na wag pababayaan si Lauren sa ano mang oras at kung may hindi inaasang pangyayari, tawagan niya agad ko para makauwi ako kaagad.

"Bryle, wag kang mag alala ako ng bahala kay Lauren. Nagluto na rin naman ako ng pwede niyang kainin mamaya. Hayaan nalang muna natin siyang matulog ngayon." Pag papalubag ng loob na saad ni Manang Vergie. Hinila ko nalang ang upuan para kumain ng breakfast.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Nicolai kagabi. Sa lahat ng taong pwedeng makakita ng contract namin siya pa ang nakakita nito.

"Hijo, ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Manang na katingin na sa akin ngayon.

"Ayos lang po ako Manang." At ngumiti ng tipid sa kanya. Ang bigat sa loob ko na any moment alam kong maagaw ni Nicolai si Lauren sa akin.

Tumayo na ako para umakyat at makagayak na para pumasok sa school.

"Bryle, hindi ka pa kumakain. Hindi mo man lang ginalaw yang pagkain mo. Baka pati ikaw ay magkasakit na niyan." Tinignan ko ang pagkaing nasa plato ko pero wala nga itong bawas.

Wala akong ganang kumain. Pakiramdam ko hinihintay nalang ni Lauren ang oras para makalaya na siya sa akin. Iniisip ko palang na magkakahiwalay kami, hindi ko na alam kung ano pa ang magiging direksyon ulit ng buhay ko.

Naglakad na ako pataas ng kwarto ko at gumayak na para pumasok. Sumilip ako sa kwarto ni Lauren na mahimbing namang natutulog. Kinuha ko na ang gamit ko at bumaba na para pumasok sa school.

Para pa rin akong mag isa sa buhay. Kahit kasama ko siya pakiramdam ko ang layo layo niya.

Pinaandar ko ang aking sasakyan para hindi malate sa exam namin ngayon. At halos tinakbo ko lang ito ng five minutes.
Pumasok na ako sa classroom at lahat ay tahimik na nag aaral. Umupo ako sa may bandang likuran para hindi makaagaw atensyon sa kanila.

"Dude ayos ka lang ba? Bakit ang tamlay mo? Huling beses kitang nakita na ganan noong iwanan ka ni Ellie. Anong nangyari?" Tanong sa akin ni Marco.

Umiling nalang ako at wala sa sariling kinuha ang airpod ko para wala ng marinig na kahit na ano pa.

Dumating na ang instructor na magbibigay sa amin ng exam kaya naman itinago ko na ang cellphone ko at airpod. Halos natapos agad namin ang exam dahil hindi na kami pinahirapan ng professor namin.

"Bryle tarang kumain?" Hinila ako nina Marco palabas ng room at sumunod nalang ako.

Kasama ko ang buong War dragons pero wala akong maintindihan sa sinasabi at pinagtatawanan nila.

Out Of My LEAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon