Hailey's POV
"Ano?" Pagpapaulit ko sa sinabi ni Warren.
"Parang ayokong umalis ng - "
"Okay. Okay. Tama naman pala ang dinig ko."
Napatingin ako kila Nate na mukhang hindi naman nagulat sa sinabi ni Warren. Ineexpect na ba nila na ganito ang desisyon niya?
"It's okay. If you don't want to, that's your choice. We'll support you pa rin."
Mukhang wala nga lang sa kanila. Mukha ngang ako lang ang nagulat.
Ilang minuto lang ata ang lumipas nang mabalik na ang topic sa project namin sa homeroom. Parang walang nangyari. Parang walang naging usapan. Parang walang nagpaiwan at parang walang mang-iiwan.
"Ang kulit niyo. Sabi na ngang ito ang happiness. Hindi niyo ba gets? Okay lang ba kayo o dapat ko pang iexplain sa inyo?" Nagmamaktol na sabi ni Nate na kulang na lang ay magtantrums sa harapan namin.
"Wala namang sense 'yang sinasabi mo, Nate." Pambabara ni Tamara sa kaniya.
Happiness. What is happiness?
"Paano ka ba nagiging masaya? Paano mo nalalaman na masaya ka nga?" I asked. Kasi sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Baka sakaling sila alam nila.
Napatingin sila sa akin at parang mga nag-isip. A question that's so easy to ask but too hard to answer.
"Nagiging masaya ako kapag masaya ang pamilya ko. Hindi ko nga alam kung paano ko nalalaman na masaya na ako. Kusa ko na lang kasi 'yun mararamdaman," sagot ni Tamara.
"As for me, I'm happy whenever I'm with Daddy, Mommy and Jarvis. I'm happy rin when I'm with you, guys. I agree with Tamara. Happiness is something you'll just feel. It doesn't come with a warning. You just feel it. Minsan nga malalaman mo lang na happy ka kapag tapos na. Kapag nangyari na. You're too busy enjoying the moment kaya you don't pay much attention to your feelings."
Nagtaas naman ng kamay si Nate matapos magsalita ni Piper. "Sabi sa inyo.. this is happiness."
"You, Hunter, paano mo nalalaman na masaya ka?" tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumasagot kaya napatingin kami. Napakunot na lang ang noo ko nang makita siyang nakasandal na sa upuan at nakapikit. Jusko naman. Hanggang dito tulog pa rin?
"That was fast," amaze na sabi ni Nate. "Ayan ang happiness para sa kaniya. Ang matulog. At nararamdaman niya na masaya siya kapag tulog at nananaginip na siya."
"I doubt that," bulong ni Piper at nang mapansin niya na nakatingin kami sa kaniya, she just smiled sheepishly.
Kilala ko 'tong babaeng 'to. Alam kong may alam 'to kay Hunter. Napapansin ko rin na hindi siya takot kay Hunter. Not that he's really scary or what. Para kasi kay Piper parang walang limit. Nu'ng utus-utusan niya nga lang si Hunter nu'ng nasa supermarket kami akala mo ilang taon na silang magkaibigan.
And speaking.. curious ako kung nagseselos pa si Warren sa kaniya? Ah, ewan!
"Hoy, Pipes. Ikaw nga umamin lang sa amin. May secret affair ba kayo nitong si Hunter?" tanong ni Nate.
Napatingin ako kung ano ang magiging reaksyon ni Warren. Tumingin siya kay Piper pero hindi nagsalita. I guess he's still affected.
"Seriously? Are you on drugs? Nakita mo bang nagsama kaming dalawa or nag-usap man lang for half an hour?"
"Hindi. Kaya nga secret affair 'di ba? Kung nakita ko edi hindi na secret. Hay nako, Pipes."
"May point," tatango tangong sabi ni Tamara.
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)