Hailey’s POV
“Do I smell jealousy?”
Narinig ko nang itanong ni Tamara kay Warren ‘yun. Napangiwi na lang ako. Gusto ko sanang lumapit para tapikin siya at sabihin na, I’ve been there, Warren. Believe me, I’ve been there. Kaya lang parang ang awkward naman kung gagawin ko ‘yun. Baka instead na mapagaan ko loob niya, mas mapabigat ko lang.
Para tuloy nawala sa mood si Warren habang naglalaro kami ng volleyball dahil sa sinabi ni Tamara.
E kaya nga lang pala.. bakit siya magiging super affected? Akala ko ba tanggap na niyang hanggang kaibigan na lang siya? Kung ganito ang nagiging reaksyon niya, then obviously hindi niya pa tanggap at in denial lang talaga siya kasi ang totoo.. he wishes for something.. more. More than what Piper could offer.
“Hails.. anong problema niyang kaibigan mo?” tanong sa akin ni Nate habang naglalakad kami pauwi sa subdivision.
“Ha? Anong problema?”
“Tinatanong ko nga, ‘di ba?”
“Ha?”
Napakamot na sa ulo si Nate, “Ano kakong problema niyang si Warren? Bigla bigla na lang naging ganiyan. Kanina naman okay pa siya tapos bigla na lang nawala sa mood. Masakit ba tiyan?”
“I noticed that, too. Is he okay? Is he having some problems or something? Maybe we could help?” dagdag pa ni Piper.
Ako lang ba talaga ang nakakahalata na nagseselos si Warren kay Hunter dahil sa binibigyan siya ng atensyon ni Piper? On the other hand, hindi ko naman mapapansin ‘yun kung hindi ko narinig ‘yung sinabi ni Tamara.
Kahit na gusto kong sabihin kay Nate at Pipes ang bagay na ‘yun, sa tingin ko mas tama na manahimik na lang. Hindi ko pa naman nakakausap si Warren tungkol doon at nakukumpirma na nagseselos nga siya. Isa pa, hindi naman ako ang nasa tamang posisyon para sabihin o ipagkalat ‘yun.
Kaya para makaiwas sa pagsisinungaling ay nagkibit balikat na lang ako. Mas okay na ‘yun kaysa magsinungaling ako at sabihin na wala akong kaalam-alam kahit na ang totoo, meron naman kahit papaano.
***
Busy ako sa pagbabasa ng libro sa kwarto ko nang biglang pumasok si mommy.
“Pupunta lang kami ni daddy mo kila Tito Xander mo sandali.”
“Ano pong gagawin niyo dun?”
“Wala lang. Diyan ka lang ba muna o sasama ka?”
“Magbabasa na lang po muna ako dito.”
“Okay. I’ll lock the gate ha? Dalhin na lang namin ‘yung keys. May spare ka naman.”
Wait. Warren.
Baka ito na ‘yung time para makausap ko siya. Mukha kasing didibdibin lang nun ‘yung selos niya at hindi magsasalita. Ganoon naman siya palagi. Baka kailangan niya ng kaibigan pero nahihiya lang mag-open kasi una, kami ni Nate, friends din with Piper; pangalawa, hindi niya pwedeng i-open ang topic na ‘to sa ibang jocks kasi malalaman nila ‘yung secret namin.
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)