Nate's Point of View
"Your dad's a genius!"
On the way na ang kutsyara sa bibig ko nang biglang hilahin ni Pipes ang kamay ko palayo. Kasama niya si Hails at Tammy na nakiupo rin naman sa pwesto namin ni Warren. Ano na naman bang problema ng mga 'to? Pati pagkain ko ginugulo.
"Hindi ba binanggit ni Tito Ice kahapon 'yung handbook? Naisip namin basahin 'yun," sabi ni Hails at inagaw ang extrang sandwich ni Warren. "Nakalagay sa isang section doon, may posibilidad na mawala ang rule. Ayon ay kapag 65% ng high school students ang pumirma laban sa rule. Kaya lang may time limit. Let's say nagstart tayo today, Friday. Hanggang next Friday dapat makumpleto na natin ang signatures."
Sixty-five percent? Malaki laking bilang 'yun pero posible pa rin naman. May pag-asa pa rin na mawala ang rule.
"Ilan ang highschool students dito?"
"Let's say that there are 100 students per year. So 100 * 4 = 400. 400 students. According to my calculation, 65% of 400 is 260."
"May 5 signs na galing sa atin. 255 na lang. Aba, malapit na tayo sa target," biro ko sa kanila pero wala namang natawa.
Nagkasundo kaming lima na maghiwahiwalay para manguha ng pirma. Magsasama-sama ang mga babae at kami naman ni Warren ang magsasama. Pero sa ngayon, hindi ko muna iisipin ang pirma kasi gutom na ako. Kailangan ko na kumain.
***
Ilang oras na kami naglilibot ni Warren pero wala namang pumapansin sa amin. Kapag may kinakausap kami walang sumasagot. Para kaming nakikipag-usap sa hangin.
"Nakakabanas mga 'to, ha. Sobra sobra ba talaga silang takot na mapaalis sa grupo nila?" Kulang na lang ay lukutin ni Warren ang papel na kakailanganin namin para sa pirma. Hindi niya pwedeng gawin 'yun kaya 'yung mukha na lang niya ang nalulukot.
"Ayaw magaya sa 'yo," biro ko sa kaniya kaya nakatanggap ako ng sobrang samang tingin. Sobra sobrang sama. Akala ko magiging abo na ako dahil sa tingin niyang 'yun
Mabuti na lang at dumating agad sila Pipes bago pa man din ako mapulbos nitong si Warren. Saved by the bell! Woohoo!
"Wala kaming napapirma. Kayo ba?"
Itinaas ni Warren ang papel at nanlumo ang tatlo nang makita na wala rin kaming nakuhang pirma.
"May bukas pa. May isang araw pa. Kaya pa 'yan." Pagpapalakas ko ng loob nila. Kaya pa naman kasi talaga. Nagsisimula palang kami. Wala pa kaming karapatan sumuko.
***
"Ilang araw na. Ilang araw na tayo nanlilimos ng pirma. Wala man lang tayo nakuha kahit isa," reklamo ni Hails at ibinagsak ang papel saka yumuko at idinikit ang ulo niya sa armchair. "Kahit isa man lang sana pero wala pa rin."
Para kaming binagsakan ng langit at lupa. Parang kailan lang sinabi ko sa ka kanila na kaya pa, na may pag-asa pa. Ngayon hindi ko na sigurado kung meron pa ba talaga. Thursday na. Isang araw na lang tapos na. Isang araw na lang wala na kaming karapatan magpatanggal ng rule.
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)