Chapter 63: Last straw

358K 12.8K 5.2K
                                    

Hailey's Point of View


Papunta ako kila Piper para kunin 'yung librong hinihiram ko nang makita ko si Warren na nakaupo sa terrace nila at mukhang problemado sa phone niya. Paano naman kasi parang nagtetext siya tapos ibaba niya 'yung phone. Wala pang 5 seconds titingnan na naman niya at parang magtetext tapos ibababa na naman. Hindi kaya may textmate na 'to?

Baka nakahanap siya ng ibang babae. Kaya siguro nitong mga nakakaraan panay pagtutulak niya kay Piper at Hunter. Sabi pa niya naka move on na siya. Hindi nga kaya may iba na siya.


Oo nga at tinutulungan ko siya dati kay Piper. Kasi si Piper 'yun eh. Matagal na niyang gusto 'yun. Ngayon kung may iba na siyang gusto, may iba na siyang babae... hindi ko alam. Naiisip ko palang parang gusto ko nang sabunutan si Warren.

Hindi ko naman malalaman kung tama ba 'tong mga iniisip ko kung hindi ko titingnan.

Pasimple kong binuksan 'yung maliit na gate nila at tahimik na pumasok. Dahan dahan akong nagpunta sa likod niya. Kahit medyo malamok dito sa halamanan wala akong pakialam. Kailangan makita ko 'tong tinetext ni Warren.


Nakausap mo pala ang mga teammates ko kanina.


Ayon ang nakalagay sa phone niya pero hindi niya madugtungan. Kinausap kanina? Teka. Sabi nga pala kanina ni Migs kinausap sila ni Kuya Zane. Hindi kaya siya ang tinetext ni Warren?


"Tinetext mo si Kuya Zane?" tanong ko sa kaniya. Halata naman na nagulat siya sa pagsasalita ko kasi kanina nakataas pa ang paa niya sa isang upuan pero ngayon nasa sahig na.


Nilock niya agad ang phone niya at inilagay sa lamesa. "Ano bang ginagawa mo diyan? Paano ka ba nakapasok?" Tinuro ko ang gate nila at nagpunta na sa loob ng terrace saka umupo sa katapat niyang upuan.


"Ano na? Itutuloy mo ba 'yang message mo o hindi na? Aba, Warren, magpasalamat ka naman sa kuya mo. Thursday ngayon. Umuwi pa 'yan dito para lang makausap teammates at coach mo."


Kinuha niya ang phone niya at tiningnan na naman 'yung screen. Konti na lang ipapakasal ko na 'to sa phone niya eh. Kung itetext niya, itext niya na. Sa tuwing nagdadalawang isip siya nasasayang lang ang oras.


"Hindi ko alam sasabihin ko sa kaniya."

"Magpasalamat ka lang. Gets na niya 'yun."


Napahawak siya sa batok niya at kapag ganoon, halatang nahihiya siya. Siguro iniisip niya pa rin hanggang ngayon 'yung ginawa niya. 'Yung nagalit siya sa kapatid niya. May point naman siya kaya lang magkapatid kasi sila. Kaya dapat hindi pinapalaki ang alitan. Kung may sama ng loob sa isa, dapat sabihin na agad. Pero past is past naman na.


"Ayos lang, Warren. Kapatid mo 'yun. Matulungan ka lang nu'n okay na siya. Magpasalamat ka lang masaya na 'yun. O baka naman galit ka pa rin sa kaniya?"


Umiling siya at inilapag ulit ang phone niya, "Hindi ko nga alam kung nagalit ba talaga ako o sadyang nagtampo lang. Hindi ko rin magawang magpasalamat kasi 'di ba nga huling beses na magkausap kami inaway ko siya."

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon