Piper's POV
"Bakit ka ba kasi ganyan?"
"What do you mean by 'ganyan'?"
"Nagpapanggap na walang pakialam kahit meron naman talaga."
I rolled my eyes and change the channel. He keeps on bugging me about the umbrella thingy. He keeps on asking me why I'm hiding on a facade and why I won't let others see the real me. E as if I'm hiding naman. This is me. This is the real me naman talaga.
"Teka. Alam ko 'yang iniisip mo. Nasa sinapupunan ka pa lang ni Tita Ayu at hindi pa ako marunong dumapa magkadugtong na bituka at utak natin kaya alam ko 'yang nasa isip mo."
"Sige nga ano?"
"Na ayan ka talaga. Na ikaw 'yan. Alam ko na 'yun. Mali lang ang approach ko. Dapat pala.. bakit hindi mo ipakita sa iba ang good side mo? Bakit 'yung pagiging maarte mo lang ang pinapakita mo?"
"My goodness, Nate. You keep on asking me that question for five consecutive freaking days."
Seriously, monday pa niya nalaman 'yung ginawa kong act of kindness tapos hanggang ngayon kinukulit niya pa rin ako. Friday na ha! Grabe lang ha. How seldom do I do something good ba for him to make such fuss about this?
"Gagawin ko pang six 'yan kung di mo ako sagutin."
"You don't know how to stop, do you?" Umiling siya saka ako nginitian, "Fine. For you to shut up.. ayokong ipakita ang side na 'to because they don't deserve to see this side. Mas ayos 'yung isang side na pinapakita ko para pakitunguhan sila."
"Bakit kay Tamara? Bakit siya pinakitaan mo -- "
"I don't know, okay? I don't know. Maybe because wala akong magawa? Maybe because I heard her nung sinabi niyang wala siyang payong and I realized that we could share naman so why not give her mine."
Tumango tango siya saka ginulo ang buhok ko, "Ang cool siguro kung magiging magkaibigan kayo ni Tamara, ano? Para may kaibigan ka ng babae."
"May friends naman akong girls."
"True friend. Yung kaibigan talaga turing sa 'yo. Hindi 'yung kapag tumalikod ka kung anu-ano na sinasabi sa likuran mo."
A girl friend, huh. I used to have one. Too bad she left.
"Piper, Nate, mautusan ko nga lang kayo maggrocery. Hindi ako makaalis at walang kasama 'tong si Jarvis." Utos ni Mommy sa amin. Inabutan niya ako ng isang papel at ng pera, "Nandyan na lahat."
"Okay po, Mom."
"Ingat kayo on your way."
Dahil malapit lang naman ang supermarket sa subdivision, nagbike na lang kami ni Nate at nilock 'yun sa may parking bago tuluyang pumasok sa supermarket.
We were so busy scanning the displays and checking the list when I accidentally bump into something.. or someone.
"Sor.." hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang tingnan ko kung sino ang nakabunggo ko. "Hunter."
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)