Hailey’s POV
I was so pissed when I saw my schedule for this year. Akala ko pa naman magiging masaya 'yung school year ko kasi puro competitive ang magiging classmates ko pero akala ko lang pala 'yun. I don't know why the school administration changed the system. Biglaan na lang naging magkakaklase na ang hindi magkakagrupo. Hay nako. Tolerable naman siguro ang ganitong set-up basta huwag ko lang magiging kaklase ang leader ng ibang groups lalo na 'yung isang bwisit.
But I guess this isn’t my lucky year.
I cursed under my breath when I saw Nathan or also known as Nate as I enter the room.Bakit ko kaklase ang lalaking 'to? Hindi naman sa ayoko pero.. ayoko nga talaga siyang maging kaklase. He's a leader for crying out loud!
Nathan is just a happy-go-lucky guy at paniguradong wala sa utak niya ang mag-aral ng mabuti. I hate him for being so easy-going. Paano magiging threat ang ganitong klaseng tao? Buhay nga naman!
Umupo na lang ako malapit sa may bintana at magbabasa na sana nang may umupo sa gawing harap sa left side ko. Seryoso ba 'to? Maski si Piper nandito? I can't stand her. Napakaarte niya. Akala niya iniidolize siya ng lahat ng tao pero ang totoo, ayaw naman nila sa kanya.
Just when I thought na malas ako dahil naging kaklase ko ang dalawang ‘to, may mas ikakamalas pa pala ako nang pumasok si Warren sa room. Dala na naman niya ang bola niya. Pakasal pa sila ng bola para masaya. Nakakainis. I hate his guts. I hate him. Akala mo kung sino.
Napatingin ako sa paligid at narealize na lahat na ata ng leader ng bawat grupo ay kaklase ko except for one. But I'm pretty sure na dito rin ang section niya. Late lang 'yun.
And I proved myself right when Hunter entered the room without uttering a single word.
So much for my tolerable year. Anong ginawa kong mali to deserve this kind of punishment? Will I survive this school year? It feels like I'm in hell.
Kaya nang matapos ang klase at mai-announce ang break ay agad akong lumabas.
“Hailey, kamusta ang klase niyo? Sa amin sobrang tahimik.. which is in fact.. a good thing. Mas makakapagcontrate ako sa tinuturo ng teacher.” Pagsabay sa akin sa paglalakad ng isa sa ka-grupo ko.
I shrugged, “Same.”
“Thankfully hindi ko kaklase ang ilan sa leaders. Pero kung ikaw ‘yung leader na kaklase ko, ang saya ko lang.”
“Unfortunately, kaklase ko sila.” Naiisip ko pa lang naiirita na ako. Ano po ba ang ginawa kong mali at pinaparusahan ako ng ganito ng langit?
Napahinto siya sa paglalakad at halos mapanganga, “Sila? As in hindi lang isa? Sila as in lahat sila?” Napatango na lang ako at napayuko. Tatagal ba talaga ako sa school year na ‘to?
Nang makarating kami sa cafeteria ay halos mapuno na pala ito. At as usual, nasa gitna at mga nag-iingay na naman ang populars.
Group No. 1. The populars. The queen bee. The princesses. The cheerleaders. The bitches. They are those girly girl na laging signatured bag, clothes, shoes o kung ano man ang gamit. Louis Vuitton, Hermes, Fendi, Dior, D&G, Chanel, Gucci, Prada, Versace, Christian Louboutin, etc. Name all the signature brands you know. Meron ang grupong 'to for sure. Dun sila expert e. Sa kaartehan.
Hindi rin sila 'yung klase ng taong kumakain sa fastfood dahil hindi raw healthy. High-class restaurant lang ang alam nila at kapag nasa school naman, it's either magpapadala sila ng sariling pagkain, or tanging veggies lang ang oorderin sa cafeteria. Ni hindi nga ata sila umiinom ng softdrinks. Ang lungkot naman ng buhay nila. Walang softdrinks, walang junkfoods, walang chocolate. Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)