Nate's Point of View
"Thank you talaga sa cupcakes."
Napatingin ako kay Tamara na ngayon ay kumakain na.
Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon. As usual. Hindi na rin naman bago 'to. Kasama ni Warren 'yung mga kagrupo niya. Malamang nasa may court ang mga 'yun o kaya minimeeting ng coach nila. Ewan ko ba. Buti na lang talaga wala ako sa grupong 'yun. Masyadong mga busy.
Si Guevarra naman malamang nagsosolo na naman. Hindi na ata mawawala sa kaniya 'yun. Kailangan talaga minsan ng taong 'yun ng "alone time". Kahit na parang palagi naman siyang alone.
Si Hails at Pipes naman, magkasama. CR lang daw sila sandali. Ang sandali nila inabot na ng 20 minutes. Ang ibang babae talaga hindi ata nausuhan ng orasan. Kapag sinabing 5 minutes, 30 minutes talaga ang ibig sabihin. Kapag sinabing sandali, matagal talaga ang ibig sabihin. Hay nako.
Maregaluhan nga sila minsan ng orasan. Pero yung mumurahin lang. Estudyante palang ako. Wala pa akong pangbili ng branded.
"Uy. Narinig mo ba ako? Badtrip 'to. Minsan lang ako magpasalamat hindi pa ako pinansin."
"Narinig ko. Excited ka naman kasi. Sandali lang, may iniisip pa eh," biro ko sa kaniya. "Walang anuman. Ayos ka rin ha. Nagpapasalamat ka na ngayon."
"Nagpapasalamat naman ako kapag kailangan magpasalamat."
"Dapat lang. Tulad nga nang sinabi ko sa 'yo, matuto kang i-express - "
" - ang nararamdaman ko. Oo na. Naintindihan ko. Kaya nga sinusubukan ko na, 'di ba?"
Tinapik ko ang ulo niya. Inaasahan ko na papaluin niya ang kamay ko dahil parang ginagawa ko siyang aso pero hindi naman niya ginawa 'yon. Tiningnan ko lang siya kaya napatingin din siya sa akin at tinaasan ako ng kilay na parang alam na ang iniisip ko.
"Hinahabaan ko ang pasensya ko kaya huwag kang magulo. Hindi talaga kita papaluin pero kapag ako nainis na talaga, baka hindi na ako makapagpigil."
Okay na sana. Pero hindi pa rin. Palpak pa rin.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil gutom na talaga ako at kung hindi ako kakain ng marami, baka makain ko na pati ang mga tao dito. Kaya lang badtrip pa rin. Nagbayad ako ng maayos pero kakarampot lang ang pagkain na nakalagay sa pinggan ko.
Tiningnan ko ang lugar kung saan bumibili ng pagkain at marami pa rin ang nakikidigma doon hanggang ngayon para lang makakain. Ayoko naman makipagdigmaan sa kanila. Tinatamad ako.
"Tammy, kung sakaling ayaw mo nang kumain at busog ka na sabihin mo lang sa akin para ako na uubos niyang pagkain mo. Sayang naman."
Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ang mga mandirigmang estudyante na nakikipagsapalaran para lang makabili ng pagkain.
"Gutom ka pa, ano?"
Hindi pa man din ako nakakasagot nang maglagay na siya ng pagkain sa pinggan ko.
"Hindi ko rin naman mauubos. Sayang lang 'to."
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)