Nate's Point of View
Nakipag-usap ang iba sa head ng POD samantalang ako ay dumiretsyo na sa bahay dahil sinasakitan ako ng tiyan. Tinext ko na rin si Hunter na pumunta na sa amin kahit wala pa ang iba.
Paglabas ko ng C.R. at pagbaba ko sa kwarto ay nakita ko na nga si Guevarra na nakaupo sa sala. Parang ineentertain siya ni Mama. Kung anu-ano pa ang sinasabi ni Mama sa kaniya. Para raw siyang si Papa noong kabataan nila.
"Baka may nawawala kayong anak, Ma," tukso ko sa kaniya kasi mukhang tuwang tuwa siya kay Hunter. "O baka siya ang anak niyo at hindi ako kasi mukhang siya ang nagmana kay Papa."
"Baka may anak sa ibang babae ang Papa mo," biro niya pabalik sa akin. "Hindi mo namana ang katahimikan ng Papa mo kasi sa akin ka nagmana. Ang namana mo sa Papa mo ay ang katigasan niya ng ulo at syempre ang pagsunod sa bagay na sa tingin niyo ay tama."
"Pati kagwapuhan niya. Lumamang lang ako sa kaniya."
Nagpanggap na walang narinig si Mama at nagpaalam na sa amin ni Gueavarra.
"Your mom's cool." Sobra. Swerte ko nga eh. "Nga pala. May itatanong ako sa 'yo kung okay lang."
"Ayos lang. Ano ba 'yun?"
"Kamusta si Piper?"
"Bakit hindi siya ang tanungin mo?"
"Galit eh."
Malamang magagalit 'yun. Hindi naman kasi nag-effort 'tong si Guevarra para mawala ang galit ni Pipes. Sa halip na amuhin sinabayan niya pa sa hindi pakikipagpansinan.
"Gusto ko sanang lapitan kaya lang natatakot ako." Wow. Marunong siyang matakot? "Tangina. Ngayon lang ako dinaga."
Gusto ko sana siyang pagtawanan kaya lang ang ipokitro ko naman kung gagawin ko 'yun. Eh kung ako hindi pa rin naglalapit kay Tamara kasi natatakot din ako.
"Alam mo, Guevarra, mabait 'yang si Pipes. Mabilis naman 'yan magpatawad. Ewan ko nga lang sa 'yo kasi mukhang nasaktan talaga siya sa mga sinabi mo. Pero kahit naman nasaktan 'yan, mapapatawad ka niyan. Kailangan mo nga lang manghingi ng tawad at paghirapan."
Natahimik siya at nag-isip. Parang sobrang lalim ng iniisip niya kaya hindi na niya napansin na nakarating na dito ang iba.
"Ayos lang ba 'yan?" tanong sa akin ni Warren ng makitang nakapikit si Guevarra at nakasandal sa pader.
"Buhay pag-ibig niya hindi ayos," sagot ko saka pasimpleng tiningnan si Pipes na mukhang nainis lang sa sinabi ko. "Pansinin mo na nga 'yan, Pipes."
"Oo nga. Hindi ka ba naaawa sa tao? Nababaliw na ata kakaisip sa 'yo."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Warren. Tama ba ang narinig ko? Sinasabihan niya si Pipes na pansinin si Guevarra? Parang itinutulak na rin niya si Pipes kay Guevarra ng lagay na 'yun. Okay na sa kaniya? Tanggap na niya? Wala na siyang pakialam sa bestfriend ko.
"Stop you, two. Ang lakas ng loob niyo pagsabihan ako about that stuff eh kayo nga you're not acknowledging your feelings. You, Nate, you're running away. You're afraid to get close to her kasi you know na hindi siya mag-eentertain ng suitors. That's not nice. Iiwasan mo siya just because hindi siya papayag magpaligaw. Ikaw naman, Warren. You don't acknowledge your feelings for her. It's like you're waiting for her to do the first move bago mo aminin sa sarili mo na you may feelings ka na for her. Are you waiting for an assurance? I really don't get boys. Bahala nga kayo diyan."
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)