Hailey’s POV
“Ready?”
Napatingin ako sa may pintuan. Nakatayo doon si mommy at nakangiti ng sobrang laki. Ang saya niya samantalang ako parang ewan na pabalik balik ng lakad. Baka nga nahilo na siya sa pagpanuod lang sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang gusto kong gawin. Damn. Ni hindi ko nga alam kung ano ang gusto kong gawin at sabihin. Basta ang alam ko lang, gusto ko ng matapos ‘to. Gusto ko ng matanggal ang lahat ng dinadala ko sa dibdib ko. Gusto ko ng bumalik sa mga kaibigan ko.
“Ano, hilo ka na ba?” natatawang tanong ni mommy.
Napayuko ako at pabagsak na umupo sa kama, “Kinakabahan ako, mommy. Paano kung hindi maging maayos ‘yung pag-uusap namin?”
“Akala ko ba napag-usapan na natin ‘to? Basta sabihin mo lang ‘yung totoong nararamdaman mo para malaman niya. Magsorry ka lang ng magsorry at ipakita mo rin na nagsisisi ka na hanggang sa mapatawad ka nila.”
“Nakakahiya po kasi. Lalo na na alam kong ako ang mali.”
“Alam mo naman palang ikaw ang mali, kaya mas lalong wala kang karapatan magreklamo. Deal with the consequences of your actions,” biglang sulpot ni daddy na ngayon ay nakatayo na rin sa may pintuan. “Kaya mo ‘yan.”
I can’t help but smile by how supportive my parents are. Magbuhat nang sabihin ko sa kanila ang nararamdaman ko naging sobrang ganda na ng pagsasamahan namin. Tama nga si Piper. Kapag tinanggap at sinuklian mo ang pagmamahal nila sa ‘yo, mas magiging maganda at masaya ang lahat.
I wanted my life to change, and it did because I took a step to actually change it. Kung gusto mo naman kasi talaga ng pagbabago, dapat simulan mo ang pagbabago sa sarili mo.
Ihinatid ako ni daddy at mommy sa school kung saan kami magkikita-kita. Nandoon na silang lahat ng makarating ako.
“Sorry for waiting.”
Napatingin sa akin si Warren, Nathan at Tamara samantalang nakayuko lang si Piper at walang pakialam na nakatingin sa malayo si Hunter. Nginitian ako ni Warren at tinanguan ako ni Tamara.
“Ayos lang. Hindi naman kami matagal naghintay,” sagot naman ni Nathan saka ako tinapik sa balikat at naglakad na papunta sa sakayan. Nakasunod na rin ang iba sa kanya kaya sumunod na rin ako.
***
Patapos na kami sa unang classroom. Konting polish na lang at linis ng mga kalat, okay na.
Nang makaramdam na ng gutom ang iba ay nag-aya na silang kumain sa may karenderya sa kanto. Nagpahuli ako sa paglalakad at nakasabayan ko si Tamara.
Sa tingin ko dapat din akong humingi ng tawad sa kanya. Inaway ko rin kasi siya. Sabagay.. sino ba ang hindi ko inaway sa kanila? Lahat naman sila inaway ko because I was a bitch. Pero alam ko na talaga ang pagkakamali ko at ayoko ng ulitin ‘yun. Masyadong malaking gulo ang nagagawa ko.
“Hey,” tawag ko sa kanya nang makatapat ko na siya.
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)