Hailey’s POV
“Sabay sabay daw tayong magpunta sa bahay nila Nathan.” Napatingin ako kay Warren na nasa may waiting shed pa pala hanggang ngayon. “Alam nila ang sa punishment kaya alam nilang magkakasama tayo.”
“Whatever.”
Naghintay din ako ng dadaan na jeep sa waiting shed at napatingin kay Nathan at Piper na parang magboyfriend at girlfriend lang na naglalakad sa ilalim ng ulan. Automatic na napairap na lang ako sa kanila at nang tingnan ko si Warren ay ganun din ang ginawa niya. Umirap.
“Nasaan ba kasi ‘yung payong mo? Ayan tuloy nabasa tayo pareho.”
“Basa lang naman ‘yan, Nate. As if nakakamatay ang mabasa ng rain. Duh.”
“Kahit na ba. Pwedeng makasakit ang ulan ha.”
“Stop complaining. We can’t undo the past.”
Para lang talagang bata ang dalawang ‘to. Nakakainis.
Nang mapansin nila na nandito kami ni Warren ay napatingin sila sa amin pero agad ding binawi ang mga tingin nila. From my peripheral view, nakita ko ang paglabas ni Nathan ng phone niya.
“Mukhang sa amin naman tayo ngayon, Pipes. Doon na raw tayo dumiretsyo. Pero samahan muna kita sa inyo para magpalit ng damit. Basang basa na tayo.”
Hanggang ngayon talaga close na close pa rin sila. Kaya lang kahit bestfriends sila hindi pa rin sila nagpapansinan sa school. That must be a weird feeling.
***
“Kamusta naman ang punishment niyo?” tanong ni Daddy sa amin habang nagkakainan, “Sabi na anak e. May tinatago ka rin naman palang kalokohan. I’m so proud of you.”
My daddy is such a child sometimes. Sa lahat ng tatay siya lang ata ang tuwang tuwa na gumawa ng kalokohan ang anak niya at naparusahan. Normally kasi magagalit ang mga tatay o kaya pagsasabihan ng maayos ang anak. Pero siya.. proud pa kasi may ginawa akong mali.
“Nga pala.. baka gusto niyong magbakasyon tayong lahat?” suggestion ni Tita Yannie. “Medyo matagal tagal na rin magbuhat nung nagbakasyon tayong lahat ng magkakasama. Ano sa tingin niyo?”
“Ayos ‘yan. Para na rin makapagrelax naman tayo kahit papaano,” pagsang-ayon ni Tito Ken.
“Next weekend?” tanong ni Tito Ice na tinanggihan naman ni Mommy, “Hindi pwede. May client akong pupunta sa boutique next weekend. Iba na lang.”
“What? I-move mo na lang ‘yan, Sab.”
“Ipapamove ko pagpunta niya sa shop? Sige, tapos damay din na mapapamove ‘yung kasal niya. Ganun ba? Huwag na kasi. Favorite client ko ‘to e. Nagpromise na ako sa kanya na susukatan ko na siya ng wedding dress ng araw na ‘yun since ayun lang ang convenient sa aming dalawa.”
“Fine. Next next week na lang.”
“May importanteng meeting ako nun.”
“Next next next week?”
Tumango at nag-agree na ang lahat. Kaya lang may problema. Baka naman gusto nila kaming tanungin kung ayos lang ba sa amin ang araw na ‘yun.
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)