Warren's POVParang binalibag ang buong katawan ko. Ang sakit. Nakakapagod. Nakakapagod ang practice namin. Pero ayos lang kasi masaya naman. Kapag kasi nasa loob na ako ng court iba na ang pakiramdam kaya wala na akong pakialam kahit na sakitan man ako ng katawan pagkatapos. Worth it naman ang lahat kaya ayos lang.
Nang makauwi ako ay ibinagsak ko agad ang bag na dala ko at humilata sa may sofa. Ah. Ayan. Kahit papaano mas nakakarelax 'to.
"Kanina ka pa?" tanong sa akin ni mama at saka kinuha ang bag ko. "Ginamit mo na ba lahat 'to? Ilalagay ko na sa laundry?"
"Opo. Thank you, Ma."
Pumikit ako at handa na umidlip nang bumalik si Mama, "Hinahanap ka nga pala ni Hailey kanina."
"Bakit daw po?"
"Baka naghahanap ng kasama? Nagpunta raw kasi siyang bookstore kanina tapos nang bumalik siya dito, hinanap niya kayo nila Nate at Piper pero wala ni isa sa inyo ang nandito."
"Naiinip lang po siguro 'yon," sagot ko kay Mama.
Bumalik na siya sa ginagawa niya. Umupo naman ako at nag-unat. Inikot ikot ko ang braso ko pati na rin ang paa ko. Tinanggal ko ang medyas ko at saka iyon inilagay sa mga lalabhan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama nang makita niya akong palabas.
"Puntahan ko lang po si Hailey."
Tumango naman si Mama at saka sumenyas na parang pinapalayas ako ng bahay.
Nagpunta ako sa bahay nila pero ang sabi ni Tita Sab ay nag-ikot-ikot lang si Hailey sa may subdivision. Kaya kinuha ko ang bike ko saka nagpunta sa unang lugar na naisip ko kung saan posibleng nandoon din siya. Sa may playground sa gilid ng clubhouse.
Hindi nga ako nagkamali. Nandito nga si Hailey. Nakaupo siya sa swing at nakayuko habang hawak ang isang libro. Hindi naman siguro siya nagbabasa habang nagswiswing? Parang nakakahilo kung gagawin niya 'yon. Pero sabi nga nila, may mga weird na paraan ng pagbabasa ang mga readers. Baka isa na 'to sa sinasabi nilang kakaibang paraan.
Lumapit ako sa kaniya at umupo sa bakanteng swing. Napansin lang niya na nandoon ako nang tumunog na 'yung bakal sa inupuan ko.
"Warren," gulat niyang sabi kaya nginitian ko na lang siya. "Bakit ka nandito?"
"Nagpunta ka raw sa amin sabi ni Mama. Wala ka rin daw kasing kasama. Kawawa ka naman, ano? Ang loner mo?"
Nag make-face siya at saka ako inirapan, "Naiinip lang ako. For your information, hindi ako mag-isa. Kasama ko 'to, o." Itinaas at ipinakita niya ang libro niya sa akin.
Weird talaga nito. Weird.. but cute.
"May mga imaginary friends ka nga pala," biro ko sa kaniya kaya nakatanggap na naman ako ng death glare niya.
"Oo. Oo, friends ko 'tong mga fictional characters na 'to sa isip ko."
"Nabaliw na nga."
"Ang sama nito. In case hindi mo alam, may mga readers talagang nag-iisip na bestfriend nila ang isang fictional character. You know why? Kasi minsan sobrang perfect na ng mga characters na 'yon at maiisip mo na lang na ang cool siguro kung may makikilala kang kagaya nila sa totoong buhay. But since wala namang kagaya nila sa real life, iisipin mo na lang na 'yung character na 'yon mismo ang kaibigan mo. Hindi sila makakapunta sa reality kaya ikaw na lang ang tatalon sa fantasy."
Nakangiti siya habang nagkwekwento. Parang sobrang damang dama niya 'yung sinasabi niya. Para siyang nasa loob ng isang happy bubble.
"Ah. Mukhang mas masaya ka pala na maging kaibigan 'yang mga nasa libro, ano? Mukhang mas okay silang maging bestfriend. Kaya iiwanan mo ang realidad para lang pumunta diyan sa - "
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)