Chapter 19: Hunter the Rebel

577K 16.3K 6.8K
                                    

Piper’s POV

“Hindi ka ba natatakot sa akin?”

I raised my eyebrow at him. Scared? Bakit naman?

“Multo ka ba?” I asked.

He looks so confused for a second, “Pick up line ba ‘yan?” Nandidiri niyang tanong.

“Eww. As if. So kadiri,” parang nagtayuan ang balahibo ko sa sinabi niya. That’s so gross. Like totally gross. Why would I do something like that? Duh. “I mean, why would I be scared? Nakakatakot ka ba? No, you’re not. Unless you’re a ghost or a flying cockroach then yes, nakakatakot ka. But hindi ka naman ganun ‘di ba?”

“Weird mo,” poker face niyang sabi.

I’m not weird. Siya ang weird. Out of the blue, mag-aask siya ng stupid question.

“What are we going to do next?” Wala na rin naman use kahit i-review ko pa siya kasi it seems like he knows everything na.

“Matutulog,” sagot niya at humiga na sa damuhan.

Si tulog! Si tulog! Wala ng ibang alam gawin kundi matulog!

To piss him, I pushed him over and over again. He keeps on sleeping kasi.

“Don’t sleep. Don’t sleep. Don’t sleep.”

“Ano ba!”

Napaupo ako sa damuhan nang bigla siyang umupo at tingnan ako ng masama. I stick out my tongue at him, “You can’t sleep.”

“Ang gulo mo kasi!”

“Bakit ba kasi tulog ka ng tulog?”

“Wala kang paki! Umalis ka nga diyan.”

“No, I won’t move. Not until sabihin mo sa akin kung bakit lagi kang inaantok.”

“Huwag ka ngang pakialamera.”

“Pinapakialaman ba kita? Hindi naman ha. I’m just asking.”

“E ‘di huwag kang chismosa! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!”

“Magreview na lang tayo kahit alam mo na lahat.”

Inis na inis siyang napakamot sa ulo niya, “Look, pagod ako. Kailangan kong matulog. Kung ikaw nagagawa mong magkaroon ng maayos na tulog, pwes ako hindi. Kaya tigilan mo ako at hayaan mo akong matulog.”

I was about to speak but decided against it. Okay. Fine. I won’t push myself on someone who doesn’t want to talk to me.

Nagreview ako ng ibang subjects na hindi ko pa nababasa at nang makaramdam ako ng pagod, napasandal na lang ako sa puno at nakinig sa music. I was so lost in the music na hindi ko na napansin na I’m slowly drifting to sleep.

***

Hunter's POV

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon