Piper’s POV
Hindi matigil sa pagtunog ang phone ko dahil sa tawag ng mga kaibigan ko. Ilang ulit na nila akong pinipilit sumama sa kanila at ilang ulit na rin akong tumatanggi sa pag-aaya nila kaya lang mukhang hindi sila marunong tumanggap ng rejection.
Come to think of it, hindi talaga kami tumatanggap ng rejection. We get what we want. It’s either we’ll take it by force, or people will give it to us voluntarily. That’s how our life works. Ah. Gotta love life.
“For the nth time, I’m telling you I can’t go with you girls. Family dinner, remember? Go without me. Ciao!”
Wait. Marunong naman pala silang tumanggap ng rejection kung galing sa akin. Wala naman silang choice. I get what I want.
I threw my phone and look at my nail polish. Anong kulay kaya ang magandang ilagay?
Black? Nah, too dark. How about white? Nope. Too plain. Green? It’s okay, but a friend already used that color. Hmm. Blue? This is so last year. Pink! Yes, pink! Pink with gold glitters because I’m so fab and I know it.
Abalang-abala ako sa paglalagay ng nail polish nang may kumatok pero hindi na nakapaghintay at pumasok agad saka humiga sa kama ko.
“Bakit sa tuwing pupunta ako dito sa kwarto mo inaabutan kitang gumagawa ng kaartehan?”
“It’s not kaartehan.”
Lumapit siya sa may study table ko at sinilip ang ginagawa ko, “Pink na may glitters?” sabay ngiti at iling niya at bumalik sa paghiga sa kama ko. What’s wrong with pink?
“Yeah. This might become a sparkly school year for me if I use this.”
“Ganun naman palagi ang school year mo. Kailan ba naging boring ang taon mo?”
“Never,” I smiled.
“People love and hate you at the same time. Why do you choose that life? Do you really want to be in the spotlight?”
Hay. Itong topic na naman. Lagi na lang namin ‘to pinag-uusapan. Wala na atang katapusan ang topic na ‘to. “This is my group, Nate. You know the rule. We should follow the rule.” Sabi ko sa kanya saka isinara ang nail polish ko at itinaas ang kamay ko.
“Mukhang back to basic tayo niyan bukas?” Bakas sa boses niya ang pagkainis.
“Yup, but don’t worry. I still love you.”
“Kadiri ka. Love love mo mukha mo.” Lumapit ako sa kanya saka yumakap para mang-inis. Ayaw niya nang nilalambing ko siya. Kadiri raw kasi at baka may mag-isip na girlfriend niya ako. Ang kapal lang ng mukha. Ang daming nagkakandarapang maging boyfriend ko. Pero as if naman kaya niya akong tiisin. “Ang clingy mo. Bitaw.” Lagi niyang sinasabing bumitaw ako pero hindi naman niya pinapatanggal ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. Baliw talaga ‘to.
Bumitaw ako sa kanya at saka nag-make face, “Remind me again why I chose you to be my best friend?”
“Remind me again why – “ Itinaas ko ang kamay ko saka itinapat sa mukha niya para patahimikin siya. Alam ko na rin naman ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)