Nate's POV
Salita ng salita ang teacher namin pero hindi ko siya magawang pakinggan. Antok na antok ako. Kulang na lang lagyan ko ng toothpick ang mata ko para mapigilan ang pagpikit nito.
"The belief that the universe is expanding is based in part upon observations of electromagnetic waves emitted by stars in distant galaxies. Furthermore, specific information about stars within galaxies can be determined by application of the Doppler effect."
Dopple? Ano raw? Ano bang sinasabi nitong teacher namin?
"Mr. Scott." Ano ba 'tong pinag-aaralan namin? Magagamit ba 'to sa pang-araw-araw na pamumuhay?
"Mr. Scott." Bakit kailangan pa naming aralin ang mga ganitong klaseng lesson?
"Mr. Scott." Itanong ko kaya minsan kay Papa kung ano sa mga pinag-aralan niya ang nagagamit niya pa rin hanggang ngayon.
"Nathan. Nathan."
Tiningnan ko ang kagrupo ko na sumisipa sa upuan ko, "Bakit?"
"Tawag ka ni ma'am."
Napalunok ako sa sinabi niya. Mukhang alam ko na ang kasunod nito.
"Are you paying attention, Mr. Scott?"
"N.. Y.. yes, ma'am."
"Okay. Define Doppler Effect."
"Uhh. Doppler effect.. it is.. it is.. it is the effect of the doppler?"
Biglang nagtawanan ang mga kaklase ko sa naging sagot ko. Napatingin ako sa ka-row ko na si Piper na pailing-iling ngayon at nakalagay pa ang kamay sa mukha.
Ano bang magagawa ko e hindi ko naman alam ang sagot. Ano ba kasi 'yun?
"Silence, class. Silence." Napatahamik naman ang mga kaklase ko sa utos ng teacher namin, "It's not funny, Mr. Scott. Remain standing. And pay attention."
Dahil sa kalokohan ko, ayan tuloy at hindi ako pinaupo ng teacher namin.
Bakit ba kasi umabsent absent pa 'yang si Hunter? Ako tuloy napagdidiskitahan ng teacher namin sa halip na siya.
Ilang minuto na akong nakatayo nang mapatingin ako sa wall clock. Wala pang three minutes ay matatapos na ang klase. Napansin ng teacher namin ang pagtingin ko doon kaya nginitian ko na lang siya kahit medyo kabado ako kasi baka pagalitan na naman ako.
"Bago ko kayo idismiss, ipapaala ko lang na malapit na ang entrance exam sa iba't ibang universities. Kung gusto niyong makapasok sa dream school niyo, mag-aral kayong mabuti." Niligpit na niya ang gamit niya at paalis na sana ng tumigil pa siya saka ako pinagsabihan, "Marami kang bagsak na quizzes, Mr. Scott. Mali. Lahat ng naging quiz mo bagsak. You'll fail my subject kapag pati ang periodical exam ay maibagsak mo. Mag-aral ng mabuti."
***
Sinubukan kong pag-aralan ang lesson namin kaya lang kahit anong pilit ko ay ayaw pumasok ng mga 'yun sa utak ko.
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)