Nate's Point of View
Nakatambay akong mag-isa sa may corridor nang may umupo sa tabi ko. Si Tamara.
"Kamusta si Piper?"
"Hindi ba kayo ang kasama niya sa may canteen?"
"Oo. Hindi naman niya pinapakitang malungkot siya pero halata naman. Hindi umaabot ng mata kapag tumatawa o ngumingiti siya eh."
Napangiti ako dahil sa sinabi ni Tamara. Nakakatuwa kasi nag-aalala talaga siya para kay Piper. Binibigyan niya ng pansin. At least hindi lang ako ang willing magbantay sa kaniya. Hindi lang ako nag-aalala para sa bestfriend ko.
"First time kasi niyang magkagusto ng gano'n sa isang tao. Pinaramdam pa ni Hunter na may kung ano man sila tapos biglang bibitawan lang niya. Parang iniwan na lang sa ere at ibinagsak. Hindi man lang sinalo ng gago."
"Baka nga kasi may rason siya. Lahat naman ng bagay may rason."
"Ang sabihin mo, paasa lang talaga siya. Ayon ang rason niya."
Kapag naaalala ko talaga 'yung ginawa at sinabi ni Hunter nababanas lang ako. Bihira na nga lang magkagusto 'yung bestfriend ko nasaktan pa. Baka tuloy matrauma 'tong si Pipes sa mga paasang lalaki.
Magpapakasweet kasi tapos bigla na lang sasabihin na walang pakialam si Pipes, na huwag siyang pakialaman at na hindi siya umabot hanggang sa puso niya. Hindi man niya sinabi directly na hindi niya mahal si Pipes, parang implied na rin 'yun. Tapos iniwan pa sa kalsada gabing-gabi na. Kahit na sabihin pa na malapit lang sila sa café, gabi pa rin nu'n.
Ano ba naman kung hinayaan na lang niya na si Pipes ang nag-walkout at nag-inarte? Pero hindi eh! Siya ang nag-walkout. Kalalaking tao ang arte arte.
"Pero 'di ba nga hindi naman sinabi ni Piper kung ano 'yung pinakadahilan nang pag-aaway nila."
"Kasi nga prinoprotektahan niya si Guevarra," inis na sabi ko. "Galit nga pala ako sa kaniya. Hinidi Guevarra, Hunter pala."
Tinapik tapik ako ni Tamara sa likod at saka nginitian, "Ang cool mo kapag galit ka." Dapat na ba ako palaging magalit? "Pero mas ang cool ka dahil sa pagiging overprotective sa bestfriend mo."
Kainis naman 'tong si Tamara. Naiinis nga ako kasi naaalala ko si Gueva - Hunter pala - tapos bigla siyang gaganyan. Kainis naman.
Itinaas niya ang dalawang kamay niya at nag-unat saka sumandal sa pader, "Ang hirap nga siguro kapag gano'n, ano?"
"Kapag ano?"
"Kapag nagkagusto ka sa isang tao. Kahit kasi hindi mo gustuhin madedepende 'yung kaligayahan mo sa tao na 'yun. At oras na mawala siya o layuan ka niya, parang nawala o nilayuan ka na rin ng kaligayahan mo."
Ang lalim naman nu'n.
"Kaya ako... hindi ko problema 'yung mga ganoong klase ng bagay. Kasi wala naman akong gusto. Sakit lang sa ulo ang magkagusto sa isang tao. Hindi ko bubuksan ang puso ko hanggang hindi ko pa nabibigyan ng magandang buhay ang pamilya ko."
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)