Hailey's POV
"Alam niyo may nakalimutan na tayong gawin."
Napatingin kami kay Nate na ngayon ay nguya lang ng nguya. Manong ubusin muna niya 'yung kinakain niya bago magsalita. Wala namang nagmamadali sa kaniya.
"'Yung classroom," walang emosyon na sabi ni Tamara at saka uminom.
Napapalo si Nate sa lamesa at itinaas ang kamay niya na para bang nakikipag high five kay Tamara, "Nakuha mo!"
Ilang segundo na ay hindi pa rin siya inaapiran ni Tamara kaya siya na mismo ang nakipag-apir sa sarili niya.
"Nakuha mo, Nate. You're awesome."
Napatikom ako ng bibig at pilit pinipigil ang tawa ko. Minsan talaga parang baliw na 'tong si Nate. Sabi nila Tita Zoe malamang daw napaglihian niya si Daddy kaya naging ganiyan si Nate. Maluwag ang turnilyo.
“Kung sakaling nakalimutan niyo.. kung sakali lang naman.. may deadline tayo diyan. At kung sakaling nakalimutan niyo ang date ngayon.. kung sakali lang ulit ha.. sa isang linggo na ang deadline.”
“Kung sakaling hindi ka marunong tumantsya.. kung sakali lang din naman.. kayang matapos ang classroom na ‘yun ng tatlong oras,” sagot ni Tamara kay Nate. “General cleaning at ibabalik na lang naman ang upuan. Madali na ‘yun.”
“This Saturday?”
“Bukas.”
“Sabado na kaya bukas.”
“Oo nga. This Saturday. Bukas.”
Napailing ako sa usapan ni Tamara at Nate at napatingin kay Piper na mukhang pigil na pigil ang tawa. Nang magkatinginan kaming dalawa ay bigla na lang kaming natawa parehas. Masyadong magulo ang usapan ng dalawang ‘to.
Napahinto lang ako sa pagtawa nang makita ko ang paparating na bruhilda. Si Elle. Simula palang talaga hindi ko na gusto ‘to. Nu’ng una nga lang, naiinis ako sa kaniya dahil close sila ni Piper at hindi pa kami okay ni Piper noon. Pero nu’ng nagtagal, ayoko talaga sa kaniya kasi feeling kontrabida siya sa isang movie.
Akala ko lalagpasan niya lang talaga kami pero bigla na lang siyang nagsalita nang makalagpas na siya sa amin ng kaunti.
“There are some people na makakapal lang talaga ang mukha. ‘Yung hindi naman na belong pero pinagsisiksikan pa rin ang mga sarili nila. If I were them, babalik ako sa kaniya kaniyang groups nila. I’ll accept pa rin naman ‘yung isa kapag bumalik siya. She could be our errand girl or something. Right, girls? ”
Kahit nakatalikod ako sa kanila, ramdam ko ang tanguan nila. May ilan pa na nagtatawanan.
Napairap ako at balak na sanang sumagot ni Tamara pero hindi natuloy nang tumawa si Piper.
“Don’t mind her. She craves for attention. H’wag niyong bigyan. She’ll get annoyed.”
“Pipes, ano bang ginawa mo sa bruhildang ‘yun at parang galit na galit sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya.
Nagtaas ng kamay si Nate na parang magrerecite lang kaya tinanguan ko siya. “Galit ata ‘yun sa lahat ng taong hindi sumusunod sa kaniya. Hindi lang kay Pipes.”
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)