Tamara’s POV
Nakatambay ako sa may bleachers nang may tumabi sa akin. Si Nathan. Gusto ko sana sabihing nasa school kami kaya wala siyang karapatan na makipag-interact sa akin kaya lang hindi naman niya ako kinakausap kaya basically, wala siyang nilalabag na rule. Hindi naman siguro siya ganoong katanga para makipag-usap sa akin at ipahamak ang sarili niya.
“Hoy, Tamara.” Okay. Ang tanga nga pala talaga niya.
Bakit niya pa ako kakausapin? Kung dahil ‘to sa naaawa siya sa akin kasi wala akong nakakausap sa abnormal na eskwelahan na ‘to, pwes , hindi ko kailangan ng awa niya.
Lumayo ako ng konti sa kaniya kaya lang may lahi talaga siya ng pagkamakulit kaya tumabi pa.
“Bakit ba?” irita kong tanong.
“Highblood naman agad nito. May dalaw ka ba at ganyan ka?”
Kung makakapatay lang ang tingin, malamang ko ba patay na siya. Wala man lang pasintabi. Bwisit. Maghanap siyang kausap niya.
“May sasabihin lang naman ako.”
“Uy, sumagot ka kaya. Tanungin mo ako kung ano.”
“Hala, nabingi na.”
“Uy, Tamara, tanungin mo na kung ano ‘yung sasabihin ko. Baka matapos na ‘yung break time na hindi ko pa rin nasasabi ‘yung sasabihin ko.”
“Hey. Are you here? Sagot sagot naman diyan.”
Napabuntong hininga ako at saka siya tiningnan ng masama, “What the hell is wrong with you? Bakit mo ba ako kinakausap? Wala tayo sa parehas na grupo. Pinapahamak mo lang – “
“Concern?”
“Pinapahamak mo lang ako. Huwag kang feeling.”
“Feeling ka rin. Concern ka ba kako sa sasabihin ng ibang tao, ng school, ng students, ng rule.”
Inirapan ko siya at nagsalita, “Humahaba na. Ano ng sasabihin mo? Sabihin mo na para lumayas ka na sa harapan ko.”
“Mamaya. After class magkita-kita raw tayo sa rooms na ginagawa natin.”
“Bakit?”
“Sabi kasi nila Hailey, malapit na raw ang mga entrance exam kaya kailangan ng matapos ‘yung punishment natin at nang makapagfocus na sa exam. Sige, ayun lang. Bye!”
Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin ‘yun. Ilang minuto lang din ay umalis na ako at nagpunta sa classroom. Mahirap na baka abutan pa ako ng time.
Malapit na ako sa room nang may humarang sa aking dalawang babae. Luwag luwag ng daan gigitgit-gitgit pa. Umiwas ako at hahakbang na sana ulit kaya lang humarang na naman sila. Problema ng mga ‘to?
“Rule-breaker,” sabi nung isa.
“We saw you kanina. You’re with Nate. You’re talking to him.”
“O, tapos?” sagot sa kanila.
Sinamaan nila ako ng tingin at nagpameywang, “Are you plotting on something? Are you trying to convince one of the leaders to mess with the rule?”
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)