Chapter 33: Secret Affair

521K 14.5K 5.5K
                                    

Hailey’s POV

“Losers,” pahabol ni Elle bago pa man kami makalayo.

“Anong ginawa mo at uminit na naman ang dugo nu’n?” tanong ni Warren.

Napakibit balikat ako kasi sa totoo lang, ano bang malay ko sa nararamdaman ng babaeng ‘yun? Palagi naman siyang galit sa amin. Paparating pa lang kami kahit hindi naman namin napapansin ang existence niya magpapapansin na siya kaagad. Hindi ko alam kung anong trip nu’n.

“Umandar naman ang pagiging insecure siguro.”

“Nakakairita na nga siya. Konting konti na lang baka hindi na ako makapagtimpi.”

He chuckled and tap my back, “Tiisin mo na lang. Ikaw naman ang mas normal sa inyo. Huwag mo na lang ibaba ang sarili mo para pumantay sa kaniya.”

“I’ll try. Nga pala, bakit ka nandito?”

“I followed you,” he joked. “Biro lang. Bumili ako ng bagong pambomba sa bola. Nasira ‘yung akin.”

Tumango lang ako at naglakad na ulit. Sumunod naman siya at saka ako pinigilan.

“Samahan mo naman akong kumain. Hindi pa ako nagmemeryenda magbuhat kanina.”

“Libre mo ba?”

“Ang daya naman. Hindi ba – “

“Ah, okay. KKB pala. Nagtitipid ako kaya ikaw na – “

“Oo na. Oo na. Sige na. Libre ko na.”

“Saan tayo?”

Sinamaan niya ako ng tingin pero nginitian ko siya kaya napangiti na lang din siya at ginulo ang buhok ko. Dinala niya ako sa isang fastfood at hindi na ako tinanong kung ano ang gusto ko. Pinahanap na lang niya ako ng upuan at siya na ang umorder.

Nang makarating siya sa table namin napangiti na lang ako nang makita na tama ang order niya. He picked my favorites.

“So,” napahinto siya sa pagkain nang magsalita ako. “Nasabi ni Tamara na – “

“Yeah. Nakausap ko nga siya kanina.”

“Akala ko okay ka na. Napag-usapan na kasi natin ‘yun last time.”

“Okay naman na talaga. Kaya lang nu’ng nakita ko lang kayong magkakasama, nainggit ako. Mukha kasing ang saya niyo kahit wala ako.”

Sa totoo lang hindi ko alam kung matatawa ako dito kay Warren or maaawa.

“Siguro ano lang.. mas okay kami sa sitwasyon namin ngayon kaysa noong may kaniya kaniya pa kaming grupo. Gets mo ba? Hindi naman sa masaya kami kasi wala ka. Masaya lang kami kasi nakawala na kami sa chains. We’re free to do whatever we want to do na hindi iniintindi na may makakaalam na magkakaibigan tayo.We’re happy because we’re free. Syempre, masaya rin naman kami para sa ‘yo. Kasi sa tingin ko, free ka rin naman e. Kapag nasa court ka, para kang lumilipad. And maybe that’s where you really belong.”

“Hindi ba ako belong sa – “

“You belong with us, too, syempre. You have us both, Warren. Basketball and friends. Wala kang sinukuan ni isa sa amin kaya huwag kang mag-alala.”

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon