Chapter 14: Never too late

554K 16.1K 6.3K
                                    

Hailey’s POV

Kinuha ko ang mga librong inilapag ni Piper sa kama. Ayaw huminto nang pag-agos ng luha ko. What have I done? Matagal ko ng alam na mali ang ginagawa ko kaya lang hindi ko magawang tigilan. Umaapaw pa rin kasi minsan ‘yung lungkot ko. Pati na rin ang takot na mag-isa. Sige, aaminin ko na. Pati ang selos dahil na kay Piper ang lahat ng atensyon. Pakiramdam ko kasi lagi na lang siya ang mahalaga sa lahat. ‘Yung parang sa sobrang halaga niya, kahit mawala man ako walang malulungkot.. walang makakapansin. Kasi nandyan naman siya.

To avoid getting hurt, I pushed people away without knowing that it will just hurt me more. Stupid, Hailey.

Iyak lang ako ng iyak ng mapansin kong nasa harapan ko na si Nathan. Nginitian niya ako pero hindi ‘yung normal na ngiti niya. Nginitian niya ako na parang nagsasabing ‘nandito ako para sa ‘yo’.

Walang sali-salita, niyakap lang niya ako at tinapik.

***

The next morning, nang magising ako, pakiramdam ko sobrang bigat ng mata ko. Wala akong kasama sa kwarto unlike nung original na plano.

Hindi ko alam kung paano ako lalabas ng kwarto. Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto na ‘to. Hindi ko alam kung anong sasalubong sa akin. Kung sinong sasalubong sa akin.

Ilang minuto na akong nakatulala nang biglang tumunog ang phone ko. Bumungad sa akin ang pangalan ng mommy ko nang kuhanin ko ‘yun at iharap sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag niya.

“Hello, Hailey!” Ang energetic ng boses niya. Sana ako rin.

“Bakit po?”

“Kamusta kayo diyan? Ayos lang ba kayo?”

“Opo.”

“Nakatulog ka ba ng maayos? Baka mamaya namamahay ka? Naalala ko pa noong bata ka, nung natulog tayo sa grandparents po. Hindi ka nakatulog magdamag noon palibhasa hindi ka sanay sa ibang kwarto,” tumatawa siya sa sarili niyang kwento pero hindi ko magawang sabayan ang energy niya.

“Ayos lang.”

“Nagbreakfast ka na ba? Nako, dapat kumain ka ha.”

“Opo.”

“Anong gusto mong uwi? Mamimili kami maya-maya bago bumalik dyan. May ipapabili ka ba?”

“Wala po.”

“O sige. Kami na lang bahala ng daddy mo kung anong iuuwi sa ‘yo. Behave kayo nila Nate dyan ha. ‘Yung lahat ng gamit mo nasa bag ha? Kung may nakalimutan ako -- “

“Yes. Yes. Okay na po. No need to remind me everything. Malaki na po ako.”

Natahimik sandali ang nasa kabilang linya. Pero ilang sandali lang ay nagsalita na ulit ang mommy ko, “Ah.. oo nga pala. Malaki ka na. Sorry anak. Sige. Mag-ingat ka na lang dyan ha?”

“Bye po,” sagot ko sa kanya saka inend ang tawag.

Inilagay ko ulit sa bedside table ang phone ko at saka lumabas na ng kwarto. Nagdirediretsyo ako sa kusina at inabutan ko roon si Nathan na nagluluto. Malamang tinuruan siya ni Tita Zoe kung paano magluto.

“Nakatulog ka ba ng maayos?” tanong niya nang makita ako.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon