Warren's POV
It's weird. Alam kong tama naman ang sinasabi nila. Alam kong dapat mag move on na lang ako. Kaya lang may mga bagay na madaling sabihin lalo na kapag hindi ikaw ang nasasaktan.
Kung madali lang turuan ang puso na mag move on o magmahal ng taong mahal ka, edi sana sa mundong ito walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nag-iisa. Sana lahat masaya. Kaya lang hindi kasi ganon 'yon.
Laging may masasaktan. Laging may iiyak. Laging may mag-iisa.
Hanggang sa dumating na ang araw na kaya na ulit ng puso niya na magmahal ulit o kaya na ng puso niyang tanggapin na wala na talaga.
Tangina naman. Ano ba 'tong mga sinasabi ko?
"Ayos ka lang, bro?"
Napahinto ako sa paglalakad at pagdradrama nang biglang dumating si Nate.
"I will be."
"Alam mo, Warren, dalawa lang naman 'yan. Magaya ka kay Tito Ry at Tita Cass, o magaya ka sa Mommy mo."
"Ha?"
"Sila Tita Cass, nagkasakitan din sila noon. Ilang ulit nabasted si Tito Ry pero dahil mahal niya si Tita Cass, hindi siya sumuko. Pinaglaban niya hanggang dulo 'yong nararamdaman niya kaya ang ending, masaya na sila at may sariling pamilya."
Gusto bang iparating ni Nate na huwag akong susuko kahit ilang beses man ako ireject ni Piper?
"Si Tita Yannie naman, noong highschool din sila, sobrang mahal daw niya 'yong ex niya. Tom ang name. Kaya lang nasaktan ang mommy mo, nakapagmove on, nagmahal ng ibang tao. Your dad. Ngayon, kita mo naman na masaya na sila."
Ngayon naman ang sinasabi niya ay magmove on na ako?
"Hindi kita pagsasabihan. Hindi ko sasabihing kalimutan mo si Pipes at magustuhan mo si Hailey. Kasi – "
"Hailey?"
"Tanga lang, Warren? Suntukin kita diyan e. Oo, si Hailey. Huwag mo na itanong kung bakit kasi kung itatanong mo at gusto mo pang i-explain ko sa 'yo, baka masaktan lang kita sa sobrang pagka dense mo."
Magtatanong pa lang sana ako kahit sinabi niyang huwag na lang nang bigla niya akong suntukin sa balikat, "Huwag nga sabing magtanong. Nagbabalak ka pa ha. Balik sa sinasabi ko kanina, hindi ko sasabihin na maghanap ka ng bagong magugustuhan. Kasi nararamdaman mo 'yan. Isa pa, mahirap talaga 'yan diktahan. Hindi ko rin naman irerecommend na ipagsiksikan mo ang sarili mo kay Pipes. Sinasabi ko sa 'yo, masasaktan ka lang ulit."
"Mukhang wala talagang pag-asa ha. Dinidiscourage na ko ng bestfriend niya."
"Babastedin ka ba naman niya kung meron?"
Bago kami makarating sa classroom ay may napansin kaming dalawang babae. Parehas nakaupo sa sahig. Nang mas lumapit kami, nakita namin na si Tamara at Hailey pala ang mga 'yon.
Tumakbo kami papunta sa kanilang dalawa.
"Bakit nakaupo kayo diyan?"
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)