Hailey's POV
"No."
Final na sagot ko na 'yon. Hindi ko na hinintay matapos mag-explain si Warren.
Ako? Babantayan. Am I that weak for them to protect me? Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi naman ako sobrang hina tulad ng inaakala nila. Yes, I get the fact na gusto nila akong protektahan. Kaya lang kaya ko naman ang sarili ko. Bakit pa ako hahanap ng ibang tao na magproprotekta sa akin?
"Hailey, hindi - "
"Bakit? Bakit kailangan niyo akong protektahan? Dahil sa takot kayo na mabully ako? O dahil ang tingin niyo mahina ako para magawang alagaan ang sarili ko?"
Napabuntong hininga si Warren. Nagpangalumbaba si Piper. Samantalang si Tamara ay patuloy na pinaglalaruan ang hawak niyang ballpen habang si Nate at Hunter ay nakaupo lang sa isang tabi.
"Hindi gano'n ang tingin namin. Si Hailey ka, kilala ka namin. Bakit namin iisipin na mahina ka? Ilang taon.. kinaya mong ikaw lang. Hindi sumagi sa isip ko na mahina ka."
"Ganoon naman pala. Bakit kailangan niyo pang gawin 'yang pagbabantay na sinasabi niyo?"
"Kasi mahalaga ka sa amin at ayaw namin may mangyaring hindi maganda sa 'yo. Kaya gusto namin na - "
"Edi hindi nga kayo naniniwala na kaya kong ako lang."
Napahilamos sa mukha niya si Warren. Halatang naiinis na siya. Kung ganoon ang nararamdaman niya, the feeling is mutual. Naiirita na rin ako.
Si Nate, being Nate, ay nagtaas ng kamay para magsalita.
"Kung ang sinasabi niyo ay nagbigay si Elle MapapElle ng letter, bakit hindi niyo na lang sabihin o ibigay sa Prefect of Discipline ang sulat na 'yon? Kapag ginawa niyo 'yan, tapos ang problema. Under probation, or better, kick out si Elle."
"Hindi pwede!" Sabay sabay na sagot namin sa kanya.
"We can't do that. Nasa atin ang burden of proof. You can't expect them to kick her out or suspend her just because of a simple note."
"Wala namang pangalan ang sulat. Nagawa lang malaman nila Warren at Piper na si Elle 'yon kasi siya ang nagpupumilit na huwag labagin ang rule. Alam ni Piper ang handwriting ni Elle."
"Nagparinig din si Elle isang beses. Choice ko raw ang mangyayari sa kaibigan at teammates ko."
"Yeah. Isipin mo ganito.. pinadalan mo ako ng death threat. Alam kong sulat kamay mo 'yon. Alam kong may motibo ka. Nagparinig ka na rin sa akin tungkol sa bagay na 'yon. Based sa mga 'yan, isusumbong kita sa pulis. Iprepresent ko ang death threat at ituturo kita as the owner of that threat. Using the evidence na meron ako, baka pagtawanan lang ako ng mga pulis sa gagawin ko. Walang supporting evidence ang proof mo."
Napakunot ang noo ni Nate sa sinabi namin sa kaniya. Napakamot siya sa ulo niya at sumandal, "Nagtatanong lang naman ako. Hindi marunong magchill mga tao dito. Hunter, tayo na nga lang mag-usap."
"Ah, basta. Hindi ako papayag. I can handle myself."
"We're not asking for your permission, Hails. We're just informing you. You can't stop us kahit anong gawin mo. Yes, we know na malakas ka and that you can do everything by yourself. Kaya lang what if naglalakad kang mag-isa tapos may bigla na lang maghulog ng pot sa ulo mo or whatever."
"Bola pa nga lang ng volleyball tinamaan ka na," dagdag ni Tamara sa sinabi ni Piper. "Let's be real here. Mas ayos kung magkakasama tayo hanggang sa maayos ang problema. Hindi biro ang bullying."
"Mas maayos talaga kung ma-kick out 'yang si Elle."
Umubo si Nate at itinaas pa ang paa sa upuan na nasa tabi niya, "Wala namang masama kung susundin sila, Hails. Para namang walang magbabago. Alam niyo, hindi ko nga alam kung bakit pinag-uusapan pa natin 'to. Palagi naman tayong magkakasama. I can't see the difference."
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)