Hailey’s POV
I used to love Mondays. Used to. And now I hate it. Gusto kong pumapasok sa school pero ngayon ayoko na. Damn. Sinabi ko ba talaga ‘yun. Pero seryoso. Bukod sa kwarto ko kung saan ako nakakapagbasa ng taimtim at sa library na bahay ng mga libro, ang classroom ang isa sa pinakapaborito kong lugar. Kaya lang magbuhat ng maging kaklase ko sila Piper, I despise classrooms.
Bakit? Kasi nandun sila at ayoko sa kanila. Ganoon lang kasimple.
Kaya lang kahit gaano ko kaayaw pumunta sa classroom ngayon, inagahan ko pa rin ang pagpasok para lang hintayin si Tamara. Kahit naiirita ako sa trip niya sa buhay, kailangan ko pa rin siya sa grupo ko. Bukod sa matalino siya, gusto ko rin siyang maisama sa grupo dahil sa ego ko. I don’t want to lose again. Tama na ang isang beses.
Pagkarating ko sa classroom, inabutan ko na si Tamara na nakaupo sa upuan niya at nakatulala lang. Mukhang hindi naman pala ako maghihintay.
“Good morning,” masayang bati ko sa kanya kahit na sa loob loob ko, naiirita pa rin ako.
Sa halip na batiin din niya ako ay tumingin lang siya saglit at tumango. No good morning huh? Rude. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ‘yun at baka mabadtrip lang siya. Ayawan niya pa ang grupo ko. Konting kaplastikan lang naman.. kaya ko pa ‘to.
“Kamusta weekend mo?” Tulad kanina, hindi na naman niya ako sinagot. Hindi ko alam kung pipi ba ‘to o bingi. Pwede rin parehas. Nagmumukha akong ewan dito para naman akong walang kausap. “Pamilyar ka na ba sa school? May friends ka na ba dito? Kung wala pa – “
“Stop. Alam ko na kung saan papunta 'to. Ayoko, okay? Ayoko sabing sumali sa grupo grupong ganyan. Hindi ba matalino ka? Bakit hindi mo maintindihan ‘yun?”
Bwisit na babae ‘to. Kwinekwestyon niya ba ang utak ko? May problema ba ‘to sa buhay at ganito ang ugali niya? Ako na nga ‘tong nagmamagandang loob (kahit labag sa loob ko) na nakikipagkaibigan sa kanya tapos siya pa ‘tong nagagalit.
“Good morning!” sigaw ng kakarating lang na si Piper. Napatingin ako sa kanya at ganun din siya pero inirapan niya ako at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Para sa leader ng popular parang masyado siyang maaga ngayon? Ano na ang nangyari sa motto niya sa buhay na late entrance at early exit? “Tamara, good morning!” And now I know why.
Lumapit siya kay Tamara kaya lumayo na ako. Bukod sa nakakainis ‘yung bagong babae, baka makapitan ako ng kaartehan ni Piper.
“How’s your weekend?” Natanong ko na ‘yan sa kanya. Hindi na ‘yan effective. Tulad ng nasa isip ko, hindi siya sumagot. “Do you have friend na ba? If ever wala pa, baka gusto mong sumabay na lang sa amin mamayang lunch?”
“Hindi na.”
“I insist.”
“Nope.”
“Really, I insist.”
“Ayoko.”
“Don’t be shy. My girls don’t bite naman.”
“Ayoko sabi. Gusto kong mag-isa. Kaya kung pwede lang, huwag mo ng ipilit kasi ayoko nga. Anong parte ng 'ayoko' ang hindi mo maintindihan?” Inis na sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)