Chapter 20: Curiosity

561K 16K 5.6K
                                    

Warren’s POV

Nakakabanas! Ang sakit sa ulo ng sunod sunod na exam. Pero ayos na rin naman ngayon. Huling araw na namin sa pagsagot ng mga exams. Ilang araw na lang intrams na. Yeah!

“Time’s up! Ipasa niyo na ang mga papel niyo.”

Ipinasa ko na ang papel ko at nag-unat. Ito na! Sa wakas! Kalayaan!

“Captain, pinapatawag tayo ni coach,” tawag sa akin ng isa sa teammate ko.

Tapos na rin naman ang exam at umalis na ang teacher namin kaya agad akong lumabas para puntahan si coach. Ano kayang meron at biglaang nagpatawag itong si coach?

Halos kumpleto na ang teammates ko nang makarating ako sa may locker room pero wala pa si coach. Binungaran agad nila ako ng high-five at mga pagbati.

“May sinabi na ba bakit nagpapatawag?”

“Wala pa nga, captain e. Pero malamang tungkol sa darating na intrams ‘yan.”

“Baka hahatiin na naman tayo sa apat na grupo para maglaro?”

“Baka naman magpapapasok ulit ng team galing ibang school para ipalaban sa atin?”

“Baka – “

Natigil ang panghuhula naming ng biglang dumating si coach.

“Coach, bakit niyo po kami ipinatawag?”

“Sa darating na intrams, magkakaroon ng kaunting pagbabago. Kaunti lang naman.”

“Ano po ‘yun, coach?”

“Lalaban kayo sa ibang grupo.”

Napakunot ‘yung noo ko sa isinagot ni coach. Malamang lalaban kami sa ibang grupo. Saan ka nakakitang nagbabasketball na iisang team lang ang naglalaro at walang kalaban? Ano ‘yun, pasahan lang ng bola tapos shoot agad. Walang agawan palibhasa lahat magkakakampi. Gaguhan lang?

“Idadagdag ko sa magiging laro sa intrams ang game niyo sa PE.”

“Teka, coach. Isasama niyo na sa percentage sa grade namin ‘yung basketball this intrams? Paano naman ‘yung mga babae? Magkaiba kami ng magiging criteria?” tanong ng isa sa grupo ko. Sabagay, may punto siya. E estudyante naman niya ang buong fourth year sa PE.

“Nag-iisip ka ba? Basketball lang ba ang sports sa intrams? May iba pa ha.” May punto rin pala ‘tong si coach.

“Oo na nga po. Sorry na.”

Pagkatapos noon ay pinabalik na rin niya kami sa kanya kanyang klase.

***

“Unfair naman ata ‘yun! Hindi naman lahat physically fit na parang kayo. Bakit naman magiging factor din ‘yun para sa grades?” reklamo ni Hailey.

“Physical education nga, Hails. Ano ba. At isa pa, hindi naman siguro unfair ‘yun. Bakit naman kami. Narinig mo ba kaming nagsabi na unfair kapag nagtetake tayo ng exams?”

“Bakit niyo naman sasabihin ‘yun e part ‘yun ng pag-aaral?”

“Pero hindi naman lahat kasing talino mo. Kung ibabase lang sa resulta ng exam ang grades, e di dapat unfair din para sa amin ‘yun? Ang ginagawa mo ang unfair. Hindi patas sa ‘yo ang isang bagay kapag dehado ka sa tingin mo, pero kapag alam mong nag-eexcel ka sa bagay na ‘yun biglang patas na? Ano kaya ‘yun?”

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon