Warren’s POV
“Anong trip mo?”
Mula sa pagkakaupo sa sahig ay tumingala ako para tingnan si Nate na nakapamulsa sa harapan ko.
Anong trip ang sinasabi nito?
Sa halip na sumagot ay sumandal na lang ulit ako sa pader at pumikit. Sanay naman siyang hindi ko siya kinakausap kaya ano ba naman kung hindi ko sagutin ang tanong niya. Hindi naman niya dadamdamin ‘yun panigurado. Kaya lang naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
“Ikaw, anong trip mo?” tanong ko sa kanya nang ginaya na rin niya ang pwesto ko.
Kaya lang parang nang-aasar ang taong ‘to at hindi rin ako sinagot. Gaya gaya masyado.
Tatayo na sana ako pero hindi ko naituloy dahil nagsalita siya.
“Bakit kapag kasama ko si Piper parang ang bait mo? Parang nagbabago ka. Ah, teka. Mali pala. Parang bumabalik ka sa dati. Tapos kapag hindi naman ganyan ka na ulit.”
“Anong ganyan?”
“Nakakabanas.”
Sinamaan ko siya nang tingin at saka bumalik sa pagkakasandal. “Nakakabanas ka rin.”
“Sagutin mo tanong ko.”
Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang tamang sagot sa tanong niya. Hindi ko nga alam kung may sagot ba talaga. Sa mga nakalipas na taon na hindi kami nagpapansinan, ngayon ko lang siguro narealize na mali ang ginawa at ginagawa ko. Akala ko mas magandang paraan ang iwanan silang dalawa kaya lang parang mas gumulo lang.
“Ano ba, Warren. Bakit – “
“Pakiramdam ko obligasyon ko ‘to. Siguro masyado ng naging matagal bago ko naisip na..”
“Na ano?”
Ano ba ang tamang salita? “Tulad mo.. gusto ko rin siyang alagaan.” Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Sa totoo lang hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang sinasabi ko.
“Gusto mo ba siya kaya gusto mo siyang alagaan?”
“I’ve always liked Piper.”
“Edi gusto mo nga?!”
Hindi ko sinagot ang pangalawang tanong niya, “Sa nangyari sa ating lahat, alam kong siya ang pinakanasaktan. Sa dinamirami ng tao na nag-alok maging kaibigan niya, tayong tatlo lang ang naging totoo sa kanya.”
“At iniwan niyo pa siya.”
Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya. Kasi alam kong totoo ‘yun. “Sa tingin ko isa ako sa dahilan kung bakit tayo nagkagulo-gulo. Gusto kong bumawi sa inyo. Gusto kong bumalik sa inyo. Kaya lang kung gagawin ko ‘yun, pakiramdam ko si Hailey naman ang ilalaglag ko.”
“Si Hailey? Bakit? Ano ba talaga ang nangyari dati?”
“Kung bubuksan mo lang talaga ang mata mo makikita mo ang sagot sa tanong mo. Sasabihin ko rin ang dahilan ko kaya lang kasi sa ngayon hindi niyo maiintindihan kahit na sabihin ko man.”
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)