Chapter 32
Warren's POV
"And Warren Evans for three! Bam! Solid, Captain! Sana navideohan ko 'yun kanina tapos ia-upload ko sa Youtube."
"Tigilan mo nga ako, Migs. Practice lang 'yun."
"Practice nga pero a practice game is still a game! Hindi mo kasi nakita 'yung ginawa mo, Captain!"
"Pabayaan mo na 'yan, Warren. Alam mo namang fanboy mo 'yang si Migs."
Naglalakad kami papuntang cafeteria habang nagbibiruan ang teammates ko at inaalaska si Migs. Kulang na lang magdaganan sila sa gitna ng corridor. I'm really glad to have teammates like them.
Malapit na kami sa cafeteria nang mapansin namin na halos lahat nang nadadaanan namin, kahit anong grupo man, ay nagbubulungan. Ano na naman ang bagong drama ng mga taong 'to?
"Ayos! May bagong issue na naman ata." Pinagdikit pa ng isa kong teammate ang palad niya at kulang na lang ay kuminang ang mata niya.
"Huwag kang chismoso," batok naman sa kaniya ng isa. "Tara na lang sa loob at gutom na gutom na ko."
Pagdating namin sa loob ay agad hinanap ng mata ko kung nasaan sila. Automatic na 'to. Magbuhat nang umalis sila sa mga grupo nila at magsamasama sa isang lamesa, lagi ko na lang silang hinahanap sa tuwing break time o lunch. Titingnan ko lang sila sa kabilang lamesa tapos maiinggit minsan kapag nagtatawanan na sila.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang lamesa nila. Apat. Apat lang sila dati pero ngayon lima na.
"Hunter," bulong ko at napakunot ang noo.
"Ano 'yun, captain? May sinasabi ka ba?" tanong ni Migs pero napailing na lang ako at pumila.
Nang makaupo na kami sa usual table namin, hindi ko mapigilan mapatingin sa pwesto nila. Ewan. Ang gulo. Parang dapat nandoon ako pero tama lang din naman na nandito ako sa pwesto ko ngayon. Hindi ko alam. Ewan.
Tapos ngayon dumagdag pa sa kanila si Hunter. Ako dapat ang nandu'n. Ako ang kaibigan nila. Ako ang bestfriend nila. Pero bakit siya ang nasa pwesto ko?
"Warren.."
"Hmm?"
"Tinatanong ka ni Migs."
"Ha?"
Pinangliitan niya ako ng mata kaya sinamaan ko siya ng tingin, "What?"
May sasabihin sana siya kaya lang tumunog na ang warning bell. Napatingin ulit ako sa lamesa nila Nate at nakitang nagmamadali na silang umalis. Nauna si Hunter at hindi man lang sila hinintay at sumunod na ang iba.
"Uy, captain. Bilisan mo na pagkain. Malelate na tayo."
Tulad nga ng sabi ng teammates ko, nagmadali na ako at nang matapos ay pumunta agad sa classroom.
Inabutan kong nagkakagulo ang mga kaklase ko pagdating ko. Nang tanungin namin ang isa sa kateammate namin na naunang pumuntang classroom kung bakit nagkakagulo ang classmates namin, sinabi lang niya na wala raw teachers sa afternoon class kaya free kaming gawin ang gusto namin basta huwag lang lumabas ng classroom.
Ilang minuto palang kaming nakakulong sa classroom nang nakaramdam na ako ng pagkainip kaya tiningnan ko ang mga tao sa paligid.
Tulad ng dati, may kaniya kaniyang pinagkakaabalahan ang bawat grupo. Kung iisipin mo parang wala namang nagbago magbuhat nu'ng umalis sila Piper. Excpet lang siguro sa ngayon ay magkakasama sila.
Napatingin ako sa gawi nila at tulad kanina sa lunch, magkakasama na naman sila.
Kahit bawal lumabas ay lumabas ako ng classroom. Nagpunta ako sa may malapit sa pool at humiga sa bleachers. Ilang minuto lang nang may tumabi sa akin. Si Tamara.
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
Teen FictionTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)