CHAPTER 3

448 22 2
                                    

One week na lang before ang prom namin. Mayroon na akong damit pero namomroblema ako ng sapatos na gagamitin ko. Mostly kasi ng sapatos ko ay rubber shoes o kaya flats.

Isa pang inaalala ko ang broken hearted kong bestfriend. Jusko, iyak na lang ng iyak.

Naglalakad ako palabas ng faculty room dahil ibinigay ko na kay Mam Bing ang perang na collect ko para sa contribution namin sa JS prom nang mapalingon ako sa kabilang gawi.

Naningkit ang paningin ko ng makita si Xavier na nakaupo sa isang upuan sa labas ng room habang nagcecellphone. Yung babae naman ay nakaupo sa armchair ng upuan niya.

Pairap kong inalis ang tingin sa kanila. Edi wow. Pagkatapos noong naging date- este paghatid niya sa akin sa bahay ay balik na naman siya sa dating gawi. Nagtataka nga ako dahil pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. Kapag padating ko ay lagi ko siyang nakikitang nagmamadali paalis. Minsan kasama pa ang babae niya.

Hindi naman sa gusto kong pansinin niya ako kaya lang nagtataka ako. Well, okay na rin naman. At least hindi ako nabwibwiset.

Naglalakad ako ng makita si Damon na nakaupo sa isang bench. Nilapitan ko siya. Nag angat siya ng tingin at bahagyang kumaway ng makita ako.

“Lagot ka” natatawang sabi ko.

Nangunot ang noo niya.
“Ano?” nakangiwing tanong niya.

“Wala lang, gusto lang kitang takutin.” natatawang sabi ko at naupo sa tabi niya.

“Wala kang magawa?” nakangiwing sabi naman ni Damon.

“Wala. Pero yung bruhang desperada sobrang daming pang aakit ang ginagawa, yun tuloy iyak ng iyak yung bestfriend ko.” nakangiwing sabi ko.

Si Kath naman kasi sobrang indenial. Yun tuloy yung Ryken niya dinagit na ng iba. Obvious naman na gusto niya rin. Hay nako. Ayaw kasing umamin eh.

“Si Alexa?” tanong niya.

“Hindi, ako” sarkastikong sabi ko.

Inirapan niya ako.
“Pwede rin naman. Bruha ka rin naman.” sabi niya kaya binatukan ko ka agad siya.

“Ang epal mo” asik ko sa kaniya.

Tumawa siya. Maya maya ay natahimik kaming dalawa.

“Kamusta?” tanong ko sa kaniya.

Bahagya niya akong nilingon.
“Okay lang.”

Nakanguso akong tumango. Alam kong hindi. Some people, for unknown reason sees someone like Damon as a joke or a bad influence. I guess we really live in a judgemental society. People are indeed unfair.

“You.....really love him, huh?”

Maliit siyang ngumiti at tumango.
“Too bad we can't be together.” nakayukong sabi niya.

“Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman mo.....pero nandito lang ako. Makikinig ako sayo.” nakangiting sabi ko.

“Thanks.” nakangiting sabi niya. “I just hope that my parents also listen to me the same way as you and Kath.” sabi niya na may malungkot na ngiti.

Aminin man natin o hindi, minsan talaga may mga magulang na pinipilit sa atin yung isang bagay na akala nila makakabuti pero hindi nila alam na yun pa mismo ang sumisira sa atin.

Maswerte pa rin ako na kahit gago yung tatay ko ay supportive at mabait naman ang Mama ko.

“Una na ako. Dito ka lang muna?” tanong ko sa kaniya at tumayo na.

“Yeah, go ahead. Thanks.” sabi niya.

Tumango ako.
“Bye”

“Bye”

The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon