CHAPTER 19

264 18 0
                                    

It's been three days since I started avoiding him.

Lagi niyang sinusubukang lumapit at kausapin ako pero lagi akong umiiwas. Lagi akong nag iiba ng direksyon sa tuwing makikita ko siyang papunta sa akin.

Sa klase naman ay nakipagpalit muna ako ng upuan kay Ryken at dun sa tabi ni Kath nauupo.

“Makikipaghiwalay ka na ba?” tanong ni Max.

Dito kaming tatlo kumakain sa lib ngayon. Sigurado ako na nasa canteen sina Xavier ngayon.

Naikwento ko na sa kanila yung dahilan ko. Sabi nila ay naiintindihan daw nila ang rason ko kaso baka hindi yun naiintindihan ni Xavier dahil hindi niya naman alam.

Paano ko naman sasabihin sa kaniya na nung tinawagan ko siya tapos si Aika yung sumagot? Hindi ko alam kung paano itatanong sa kaniya kung niloloko niya lang ba ako. Anong gagawin ko pag sinabi niyang oo?

“Hindi ko alam” mahinang sagot ko.

“Alam mo hindi mo naman malalaman lahat ng sagot sa mga tanong mo kung hindi mo siya kakausapin.” sabi naman ni Kath.

“Fair point. Wag mo namang alisin yung chance ni Xavier na makapag-explain. Malay mo diba, advance ka lang talaga?” sabi naman ni Max.

Napangiwi ako
“Psh, ano naman ang gagawin ni Aika sa bahay nila, sa kwarto niya to be exact? Makikitulog?” sarkastikong sabi ko.

“Again, hindi mo malalaman kung hindi mo itatanong sa kaniya.” pairap na sabi ni Kath.

Napanguso ako atsaka napabuntunghininga. Tahimik kong pinagpatuloy ang pagkain.

Nung hapon ay sumakay ako ng tricycle para umuwi. Bahagya pa akong nagtaka ng hindi ko makita ang kotse ni Xavier dun. Nung mga nakaraang araw kasi ay lagi niya akong inaabangan pa tapos ng klase para subukang kausapin.

Nang malapit na kami sa tapat ng bahay ay agad na nanlaki ang mata ko ng makita ang pamilyar na sasakyan sa tapat ng bahay namin.

Shit

Nagbayad ako at bumaba ng tricycle ng huminto ito. Nakasandal siya sa sasakyan niya at diretsong nakatingin sa akin. Nagiwas ako ng tingin at dali daling tinungo ang gate.

Napalunok ako ng ng humarang siya sa daanan ko. Nag angat ako ng tingin sa kaniya.

“Tabi” mariin na sabi ko.

“Now your talking to me.” sarkastikong sabi niya.

Naitikom ko ang labi at lalagpasan na sana siya ng hawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

“Ano ba?” sabi ko at hinawi ang kamay niya.

“Damn babe” he said frustratedly.

Pinasadahan niya ng daliri ang buhok niya. Nag iwas ako ng tingin. Narinig ko ang marahas na pagkawala niya ng hininga.

Napalunok ako ng marahan niyang abutin ang braso ko at hilahin akong papalapit sa kaniya.

Nag angat ako ng tingin at agad na napatitig sa mga mata niya.

“What's our problem babe?” malambing na tanong niya.

Nag iwas ako ng tingin at hindi siya sinagot.

“Hmm?” sabi niya at bahagyang ginalaw ang braso ko ng hindi ko siya sinagot.

“What did I do?”

Napalunok ako bago ko siya hinarap.
“Nagsinungaling ka sa akin” mariin na sabi ko sabay hinawi ang kamay niya sa braso ko.

Umawang ang labi niya at agad na nangunot ang noo.
“W-what? What do you mean?”

The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon