CHAPTER 6

360 24 2
                                    

“So pupunta ka?” tanong ni Kath habang naglalakad kami papunta ng lib.

Nagpasama ako sa kaniya na isauli ang librong hiniram ko last week. Kinuwento ko sa kaniya yung pagpunta ni Papa sa bahay at yung mga nangyari afterwards.

“May choice ba ako?” nakasimangot na sabi ko.

“Hayaan mo na. Pumunta ka na lang dun para kay Macy.”

Tumango ako. Taman naman siya. Pupunta ako doon para kay Macy at hindi sa demonyitang asawa ni Papa at kina lolo at lola.

Pumasok ako sa library at isinauli ang libro. Nang matapos ay lumabas na ulit kami at naglakad papuntang classroom.

“Malapit na noh? Kunti na lang senior na tayo.” nakangiting sabi ni Kath.

Napangiti rin ako at napatango. Almost two months na lang ay completion na namin.

“Mommy”

Natigil kami sa paglalakad ng marinig ang boses ni Ryken. Nilingon namin ang gawi niya. Agad akong natigilan ng magtama ang tingin namin ni Xavier, siya ang unang nag iwas ng tingin.

Naglakad papalapit si Ryken sa amin at lumapit kay Kath.

“Kanina pa kita hinahanap” sabi ni Ryken.

“Sinamahan ko lang si Syn, bakit?” sagot naman ni Kath.

“Wala, namiss lang kita. Hatid na namin kayo sa room.” sabi ni Ryken at hinatak na si Kath atsaka naglakad.

Naiwan kaming dalawa ni Xavier. Nang tumingin ako sa kaniya ay nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Balak kong mag sorry, mukhang nasaktan ang ego niya sa sinabi ko.

Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong tinalikuran at nauna ng maglakad. Hindi ako makapaniwalang sinundan siya ng tingin.

Masama ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad ako sa likuran niya. Siraulo talaga.

Nang malapit na kami sa room ay nagulat ako ng bigla siyang humarap. Bahagya akong nagulat kaya napaatras ako.

“You....unsent a message last night, right?”

Naitikom ko ang bibig.
“Oh ano ngayon?” kunwari ay wala lang na tanong ko.

“Why did you unsent it?”

“Dahil nagbago ang isip ko.”

Nangunot ang noo niya.
“What was the message about?”

Sandali ko siyang tinitigan. Imbes na sagutin siya ay mabilis akong tumakbo papasok ng room at naupo. Sakto namang pumasok na rin si Sir Ponce kaya hindi na siya nakasunod.

Nang lumingon ako sa may bintana ay nakita ko siyang nakahalukipkip habang seryosong nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin at hindi na muling nilingon pa ang gawi niya hanggang sa umalis siya sa pwesto niya.

Lunch break namin at nandito kami sa canteen para kumain. Nauna na kami dito nina Kath at Randy dahil hindi pa lumalabas ang kabilang section.

“Kath, Cr muna ako.” sabi ko sa kaniya tsaka tumayo.

Naglakad ako palabas ng canteen. Sa labas ay nakasalubong ko si Max tsaka si Jon jon kasama si Ryken.

“Saan ka Syn?” tanong ni Max.

“CR” sabi ko. “Nandoon na si Kath.” dagdag ko.

Naglakad ulit ako papunta sa CR. Papasok na sana ako sa CR ng mapatingin ako sa isang gilid. Nandoon si Xavier at Alexa. Nakaharap sila sa isa't isa at naguusap.

The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon