Days passed by so fast. It's been almost a week since we got engaged. I was so excited when I told Kath and the others about it. They are so happy and excited for me.
Noong sinabi ko kay Mama ay naiyak pa siya sa sobrang saya. Feeling ko ay mas excited pa siya kesa sa akin. Above all, I think Maven is the happiest when he knew that we are getting married. He was so happy, he keeps running around the house shouting. It was a very beautiful sight to see.
“Mavy, say thank you na kay Tito Matt. Binigyan ka niya ng maraming toys oh,” sabi ko kay Maven.
Nagulat ako ng bigla na lang dumating dito si Matt. Sabi niya ay kauuwi niya lang noong isang araw galing California.
Nagsusungit na naman kasi si Maven. Palibhasa ay maliit pa siya nung huli niyang nakita si Matt. Hindi niya pa naaalala.
“Thank you Tito Matt” nakangusong sabi niya.
Natawa naman si Matt at ginulo ang buhok niya.
“Your welcome big guy” nakangiting sabi niya kay Maven.
Pinanood naming dalawa kung paano nilalaro ni Maven yung mga dalang laruan ni Matt.
“Kids grow up so fast” nakangiting sabi niya.
Nakangiti akong tumango.
“Matagal ka lang nawala” natatawang sabi ko.Natatawa siyang umiling.
“So, how are you?” tanong niya.“I'm fine, thank you” nakangising sagot ko.
Pareho kaming natawa dahil sa sinabi ko.
“I'm serious, Syndy” natatawang sabi niya.
“Okay naman. Sobrang saya ko” nakangiting sabi ko.
Tumaas ang kilay niya.
“Engaged huh?” nakangising sabi niya.Mas lalong lumawak ang ngiti ko.
“Yeah” sabi ko.“Congrats, I'm so happy for you” nakangiting sabi niya.
“Thank you. Ikaw kelan ka?” nakangising tanong ko.
Nagkibit balikat siya atsaka ngumisi.
“Matagal pa but don't worry, your invited” nakangising sabi niya.Natawa ako atsaka tumango. We talked about a lot of things and catch up with each other for the last years.
Nung nakaalis si Matt ay walang ibang ginawa si Maven kundi ang maglaro ng maglaro. Nagkapilitan pa nga kami para lang kumain siya ng tanghalian.
Nung hapon naman ay tumawag si Kath. Iniinbitahan niya kami sa birthday nung pamangkin niya. Isama ko daw si Maven. Ang kaso ay medyo malayo yung lugar. Sasabihin ko muna kay Xavier.
I was washing the dishes when I heard Xavier's car parked outside. I looked at the time and it's already late at night.
“Babe?” pagtawag niya ng pumasok siya sa pinto.
“I'm here” sabi ko.
Sumilip siya sa kusina at agad na ngumiti ng makita ako. Ipinatong niya ang dalang bag sa mesa at inalis ang suot na coat.
Yumakap siya sa bewang ko atsaka pinatakan ng halik ang pisngi ko.
“Where's Maven?” tanong niya.
“Nasa kwarto. Tulog na” sagot ko sa kaniya.
Hinarap ko siya atsaka ngumiti.
“Kamusta?” nakangiting tanong ko.Maliit siyang ngumiti at isiniksik ang mukha sa may leeg ko.
“I talked to your Dad...”
Natigilan ako at nagugulat na nagbaba ng tingin sa kaniya. Nakatingin siya sa akin at maliit na ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomanceWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes