“Pwede ba Randy, tigilan mo ako.”
Kanina pa ako binubwiset ng lalaking ito. Nang makarating kami dito sa school para sa prom at sinalubong nila kami.
Nakaupo na kami kasama sina Ryken at Kath na talo pa ang mag jowa sa sobrang sweet, wala pa namang label. Si Max at Jon jon na akala mo ay unang beses na nagdate. Si Randy naman na walang ibang ginawa kundi mambwiset.
Kunot ang noo ko ng nilingon ang lalaking nasa kabilang gilid ko.
“Ano?” nakataas ang kilay na tanong ko.
Ngumisi siya at bumaba ang paningin mula sa mukha pababa sa damit ko.
“You look good.” nakangising sabi niya.
Nagiwas ako ng tingin ng mag init ang mukha ko.
“Salamat” mahinang sabi ko.Nabaling ang tingin ko sa kabilang mesa ng makita ko si Aika na masama ang tingin sa akin. Tinaasan ko siya kilay at inirapan.
Nang mapatingin ako muli kay Xavier ay nakakunot ang noo niya habang nakatingin din sa gawi nina Aika.
“Is she bothering you?” tanong niya at muling bumaling sa akin.
Sinimangutan ko siya.
“Ano sa tingin mo? Nagkakaroon ako ng kaaway ng wala sa oras dahil sayo.” asik ko sa kaniya.Natahimik siya at hindi na nagsalita pa. Maya maya ay nagsimula ng mag play ang kanta ni Ed Sheeran na Perfect. Nabaling ang tingin ko kay Jon jon at Max ng tumayo sila at naglakad papunta sa gitna.
Si Xavier naman ay tumayo at pumunta sa kabilang lamesa atsaka nilapitan si Aika. Pairap na inalis ko ang tingin sa kanila. Nasundan ko naman ng tingin si Randy ng tumayo ito at lumapit sa gawi nina May Ann pagkatapos ay inilahad niya ang kamay kay May.
Pero agad na nawala ang paningin ko sa kanila ng mabaling ang tingin ko sa nakalahad na kamay sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin at tumaas ang kilay ng makita kung kaninong kamay iyon.
“Let's dance” nakangiting sabi niya.
Napanguso ako at nag iwas ng tingin.
“Bakit hindi na lang si Aika ang yayain mo?”
“Dahil ikaw ang gusto kong isayaw.” sabi niya.
Naglipat lipat ang ko sa kaniya at sa kamay niya. Tatanggi na sana ako dahil mas lalo akong guguluhin ni Aika kung isasayaw ko siya. Isa pa dapat ay umiwas na ako sa kaniya. Hindi ako dapat na magpatalo sa kaniya.
“Don't worry about that girl, I already take care of it.” sabi niya dahilan para muli akong mag angat ng tingin sa kaniya.
Nakatingin lang ako sa kaniya pero hindi ko pa rin tinatanggap ang nakalahad niyang kamay. Bakit ko naman tatanggapin? Bakit naman hindi?
Nagpakawala siya ng isang buntunghininga.
“I just wanna dance, Maria. I want to dance with you” seryosong sabi niya.
Sandali akong napatitig sa kaniya at napalunok. Unti unti kong inabot ang kamay niya. Nag iwas ako ng tingin ng ngumiti siya.
Nakayuko ako habang naglalakad kami papunta sa gitna. Tumigil kami sa may gitna. Nag angat ako ng tingin sa kaniya ng ilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya.
Bahagya akong napasinghap ng hilahin niya ang bewang ko papalapit. Nag iwas ako ng tingin ng hindi matagalan ang titig niya.
“A-ano?” naiilang na tanong ko.
Nakangiti siyang umiling.
“Ang ganda mo.”“Sinabi mo na yan kanina” nakangusong sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomanceWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes