CHAPTER 16

302 19 2
                                    

“Syn, sigurado ka na kaya mo na yan?”

Narinig kong tanong ni Mama mula sa may pinto. Nakabihis na siya dahil papasok na sa trabaho.

“Opo Ma, kaya ko na to. Kaunti na lang naman.” sabi ko habang kinukusot yung damit.

Naglalaba ako ngayon. Lumabas na si Mama ng pinto at tinungo ang gate. Binuksan niya iyon at muling nilingon.

“Aalis na ako” sabi niya kaya tumango lang ako.

Nang makaalis si Mama ay pinagpatuloy ko na ang pagkukusot. Nang matapos ang kusutin ay isinampay ko na muna yung mga damit na una ko nang binanlawan.

Nagbabanlaw na ako ng may biglang tumigil na sasakyan sa may gate. Hindi ko naman ito pinansin dahil akala ko ay nakiparada lang ito at may iba namang sadya.

Natigil ako sa pagbabanlaw ng may kumatok sa may gate. Napasimangot ako. Istorbo naman ito.

Tumayo ako at tinungo ang gate. Binuksan ko iyon ngunit agad na nanlaki ang mata ko ng makita si Xavier. May hawak siyang cellphone sa isang kamay.

“A-ah hi” nakangiting sabi ko.

Naglakbay ang tingin niya sa kabuuan ko. Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Isang malaking t-shirt at isang maiksing short ang suot ko. Yung buhok ko ay gulo gulong nakatali. Mukha akong losyang.

“I......was calling you” sabi niya at muling nagbaba ng tingin sa katawan ko.

Kagat nito ang labi habang nakatitig sa akin.

“Nasa loob yung cellphone ko, naglalaba kasi ako.” sabi ko

“Oh i see” sabi niya at tumango.

Ngumiti ako sa kaniya. Dalawang linggo matapos maging kami. Lagi niya akong tinatawagan at tinetext. Minsan pa ay pumupunta siya dito sa bahay.

“Pasok ka muna” sabi ko at niluwagan ang bukas ng gate.

“Are you sure?” alanganing sabi niya.
“May ginagawa ka yata” sabi niya.

Umiling ako at ngumiti.
“Hindi, okay lang. Pasok ka na.” nakangiting sabi ko.

Tumango siya at pumasok na. Niyaya ko siya sa loob at pinaupo muna sa sofa.

“Where's Tita?” tanong niya ng makaupo.

“Nasa trabaho” sabi ko.
“Gusto mo ba ng juice? Kape?” tanong ko.

“Cold water will do” nakangiting sabi niya.

Tumango ako at pumunta muna ng kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at kumuha ng isang baso. Ipinatong ko yun sa lamesa.

Habang sinasalinan ko na ito ng tubig ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.

“Ay!” nagugulat na sabi ko. Muntik pang matapon yung tubig.

Narinig ko ang pagtawa ni Xavier.

“Xavier, ano ba? Basa yung damit ko” sabi ko at pilit lumalayo sa kaniya.

Imbes na humiwalay sa akin ay mas lalo niyang isiniksik ang sarili sa akin. Yung mukha niya ay inilagay niya sa may leeg ko.

Napasinghap ako ng suminghot siya sa may leeg ko.

“X-xavier, wag. Mabaho ako.” sabi ko at iniwas ang leeg ko.

Humigpit ang yakap niya sa bewang ko.

“You smell good” mahinang sabi niya sa may tainga ko.

Nahigit ko ang hininga ko ng tumama ang hininga niya sa aking balat.

The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon