“Babe, were going” sabi ni Xavier atsaka humalik sa pisngi ko.
“Mommy, pupunta na po akong school” sabi naman ni Maven at yumakap sa akin.
Naglilinis ako ng pinagkainan namin. Paalis na silang dalawa, si Xavier papunta sa trabaho at si Maven naman sa school. Ayaw niya ng magpahatid sa akin dahil big boy na daw siya. I already stop breastfeeding him because he doesn't want it anymore. Mula lang iyon noong kinausap siya ni Xavier at sinabing hindi na dapat nag-breastfeed ang mga big boy.
“Mavy, sure ka? Hindi na kita ihahatid?” tanong ko at nagbaba ng tingin sa kaniya.
“Opo, kasama ko naman po si Daddy” sagot niya.
“Babe, it's fine okay? I'll take care of him”
Nakanguso kong nilingon si Xavier.
“Wala naman kasi akong gagawin dito”Pinatakan niya ng halik ang labi ko atsaka ngumiti.
“You can...relax or go to the bookstore. I'll ask Manong Nelso to take you there” nakangiting sabi niya.
Napangiti ako atsaka tumango.
“Okay.”Nagbaba ako ng tingin kay Maven at bahagyang yumuko para patakan ng halik ang noo niya.
“Bye Mavy. Galingan mo sa school, okay?”
“Yes po Mommy” nakangiting sagot niya at bumaling sa Daddy niya.
“Daddy, tara na po. Baka malate na ako.”Natawa naman kami ni Xavier.
“Okay son” nakangiting sabi niya sa anak at bumaling sa akin.
“Babe, alis na kami”Tumango ako atsaka ngumiti.
“Hatid ko na kayo sa labas”Sumama ako sa kanila hanggang sa labas. Sumakay na sa kotse si Maven. Bumaling ako kay Xavier.
“Mag ingat ka sa pag-drive, okay?” sabi ko sa kaniya.
Ngumiti siya atsaka bahagyang yumakap sa akin.
“I will babe” mahinang sabi niya.
Ngumiti ako atsaka bahagyang kumaway.
“Bye”Saglit siya tumitig sa akin atsaka maliit na ngumiti.
“I love you Maria” nakangiti pero sinserong sabi niya.
Umawang ang labi ko at napatitig sa kaniya. Noong unang beses niyang sinabi iyon pagkatapos ng ilang taon ay hindi ako agad nakasagot. Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi maibuka ang mga labi para magsalita.
Those words for some reason, weirdly scares me.
Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya ng walang makuhang sagot mula sa akin. Parang kinurot ang puso ko dahil doon. Pilit ang ngiti niya at saka tumango sa akin.
“Call me if there's a problem. Bye babe” sabi niya atsaka sumakay sa kotse.
Nakagat ko ang labi habang pinapanood ko silang makaalis. Nagpakawala ako ng isang buntunghininga ng hindi ko na matanaw ang kotse.
Alam kong mahal ko siya, hindi naman nagbago iyon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang naalis ang takot ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Natatalo na naman ako ng takot ko para sa maraming posibilidad na pwedeng mangyari sa relasyon naming dalawa. Yun mismo ang dahilan kung bakit hindi ko nasasabi sa kaniya na mahal ko siya.
Pumasok ako ng bahay at pinagpatuloy ang ginagawa kanina. Pagkatapos ay nag-desisyon akong pumunta ng bookstore. Magpapahatid na lang ako kay Manong Nelso.
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomanceWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes