Yakap ko ang sarili habang naghihintay kay Xavier sa may waiting shed sa labas ng campus. Bibili lang sana ako ng isaw ang kaso ay biglang umulan kaya hindi ako nakakabalik sa loob. Wala rin naman akong payong.
Tinext ko naman na si Xavier kung nasaan ako at hihintayin ko na lang siya dun. Pinagkiskis ko ang palad atsaka yun inihipan. Sobrang lamig, pilit kong ibinababa ang skirt ko dahil ang lamig na rin ng hita ko.
Nag angat ako ng tingin ng may tumigil sa harapan ko.
“Hey” nakangiting sabi ni Troy atsaka tumabi sa akin at itinupi ang payong niya.
“Hi” sabi ko atsaka maliit na ngumiti.
“Pauwi ka na?” tanong niya.
Tumango ako
“Oo, hihintayin ko lang si Xavier dito.”“I see”
“Ikaw? Dika pa uuwi?” tanong ko
“Later, sasamahan muna kitang maghintay” nakangiting sabi niya
Nakagat ko ang labi ko
“Nakakahiya naman. Baka may lakad ka pa.”“Wala naman. Ang pangit rin naman gumala ngayon, may bagyo” natatawang sabi niya.
Natawa rin ako atsaka tumango.
“Sabagay”Natahimik kami pagkatapos nun. Nabaling ang tingin ko sa unahan ng may nakita kong paparating ang kotse ni Xavier. Agad akong napaayos ng tayo.
Tumigil ito sa may harap namin. Ipinatong ko na ang bag ko sa ulo at akmang tatakbo na papunta sa kotse ng hawakan ni Troy ang braso ko.
Agad akong napalingon sa kaniya.
“Ihahatid na kita dun” sabi niya atsaka binuksan ang payong na dala niya.Dahan dahan akong tumango atsaka ngumiti. Sabay kaming naglakad papunta sa kotse. Bago ko buksan ang pinto ng shot gun seat ay hinarap ko muna siya.
“Salamat. Ingat ka pauwi.” nakangiting sabi ko.
Tumango siya at kumaway. Binuksan ko ang pinto atsaka ako sumakay.
Nang makasakay ako ay nakangiti akong bumaling kay Xavier.
“Hi babe” nakangiting sabi ko.
Pero agad ding napawi iyon ng makita ko ang madilim ang mukha niya. Masungit siyang tumingin sa akin bago pinaandar ang kotse paalis.
Napanguso akong nagiwas ng tingin.
“Call your mom”
Napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon.
“Tell her you'll stay in my condo for tonight. Baha na yung dalawang street na papunta sa inyo.” tuloy tuloy na sabi niya at hindi man lang ako nililingon.
“Okay” nakangusong sabi ko
Lagi talagang nababaha dun kahit na walang bagyo basta malakas ang ulan.
Tinawagan ko si Mama.
“Hello? Ma?”
“Syn, makakauwi ka ba? Malakas ang ulan, sigurado akong baha na naman pauwi.”
“Oo nga po, ano....sa condo na po muna ako ni X-xavier magpapalipas ng gabi.”
“Oo sige, wag na munang pilitin na umuwi. Bukas na lang, tutal wala ka din namang pasok bukas.”
“Opo, ingat ka diyan Ma. Nakauwi ka na po?”
“Oo na, sumabay ako sa isang katrabaho pauwi. Buti na lang at hindi pa ganon kataas ang tubig kanina.”
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomanceWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes