“Sigurado ka bang okay ka lang diyan?” tanong ni Mama habang nandito ako sa kwarto.
“Opo Ma, chill ka lang. Okay lang ako dito.”
“Nandyan ba ang....lola't lolo mo?”
Natigilan ako.
“Ahm opo. Kagabi pa po sila dumating.” sabi ko.“Sige, ibababa ko na. Papasok na ako sa trabaho.” sabi ni Mama.
“Sige Ma, ingat.” sabi ko.
Inaayos ko ang gamit ko ng may kumatok sa pinto. Pumasok si Papa.
“Syndy?” tawag niya ng makapasok.
“Bakit po?” tanong ko.
“Nandyan si Matt sa labas, hinahanap ka.” sabi niya.
Nanlaki ang mata ko at agad na napangiti.
“Sige po, susunod ako.” nakangiting sabi ko.
Tumango si Papa at lumabas na. Dali dali kong inayos ang gamit ko at agad na lumabas.
Nang makababa ako ay agad na sumalubong sa akin si Matt.
“Syndy baby” sabi niya at umamba ng yakap.
Natatawa ko naman siyang sinalubong ng yakap.
“Kamusta?” tanong ko ng humiwalay sa kaniya.
“I'm fine. What about about you?” tanong niya.
Ngumiti ako at nagkibit balikat. Half cousin ko si Matt. Ever since na na meet ko ang side ni Papa ay siya lang ang kumakausap at maayos ang pakikitungo sa akin.
“What are you doing?” tanong niya.
“Hmm wala naman. Bakit?” tanong ko at naupo sa sofa.
Wala kasi sina Tita Maricel dahil pumunta sila ng venue para asikasuhin ang party ni Macy mamaya. Si Papa naman ay sumunod na doon.
“Let's go to the mall.” nakangising sabi niya.
Sinimangutan ko siya.
“Wag na. Ano namang gagawin natin dun?”Nagkibit balikat siya.
“Well.....we can watch a movie, perhaps buy a lot of books.”Tumaas ang kilay ko.
“Libre mo?” nakangising tanong ko.Ngumiti siya.
“Libre ko.”Agad akong tumayo mula sa pag kakaupo.
“Bihis lang ako.” nakangising sabi ko at dali daling umakyat sa kwarto.
Pumunta kami ng mall. Una ay nanood muna kami ng movie. Pagkatapos ay kumain kami sa Jollibee. Ngayon ay nandito kami sa book store.
Naglalakad lakad ako at tumitingin tingin ng librong mabibili. Matatapos ko na rin naman yung huling librong binili ko.
Nakapili ako ng dalawa at pinuntahan ko na si Matt.
“Okay na?” tanong niya at kinuha ang librong napili ko atsaka yun tiningnan.
Tumango ako.
“Oo, akin na” sabi ko at akmang kukunin sa kaniya ng iiwas niya.“Libre ko diba?” nakangising tanong niya.
“Salamat” nakangiting sabi ko.
Inakbayan niya ako at pumila kami sa counter. Alas sais na ng mapagdesisyonan naming umuwi. Alas siete pa naman ang simula ng party.
Nagtatawanan kami habang naglalakad papasok ng bahay. Ngunit agad yung natigil ng makita sina Tita Maricel na nasa sala. Agad na lumapit sa akin si Papa.
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomanceWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes