“Bakit siya ang kasama mong sumundo kay Maven?”
Natigil ako sa pagkuha ng damit na pamalit ng dire-diretsong pumasok sa kwarto si Xavier. Nang lingunin ko siya ay kunot na kunot ang noo niya. Bahagya ko pang nilingon ang likuran niya para silipin kung kasunod niya ba si Maven.
“Nasaan si Maven?” tanong ko. Hindi sinagot ang tanong niya.
“He's playing downstairs. Now, answer my question. Why are you-”
“Dahil nag insist siya na kami na ang sumundo kay Maven. Isa pa, dati niya naman nang ginagawa yun.” simpleng sabi ko atsaka pinagpatuloy ang paghahanap ng damit.
“Kaya ko nang gawin yun ngayon. Hindi niya na kailangan pang gawin yun.” mariin na sabi niya dahilan para muli ko siyang lingunin.
Nangunot ang noo ko.
“Ano bang problema mo? Nag-mamagandang loob lang yung tao.” naiinis na sabi ko.He scoffed. “If I know he's only making he's way to you.”
Nakaamang akong tumingin sa kaniya matapos niyang sabihin iyon. Nakahalukipkip ko siyang nilingon.
“Eh ano naman ngayon sayo? What's in it to you, if he's making his way-”
“He can't” mariin na pagputol niya sa sasabihin ko.
Bahagya akong napalunok ng maglakad siya papalapit.
“Find one for himself and stop messing with what's mine.” mariin na dagdag niya.
“W-what?” sabi ko atsaka aatras sana palayo sa kaniya.
Nagulat ako nang bigla niyang ipulupot ang braso sa bewang ko para pigilan ako sa pag atras.
“X-xavier what are you doing?” nauutal na sabi ko atsaka pilit siyang itinutulak palayo pero hindi talaga sapat ang lakas ko ng mga oras na iyon para maitulak siya.
“Your mine, babe. Mine.”
Halos bumigay ang mga tuhod ko sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Pilit kong pinatatag ang sarili atsaka siya itinulak palayo. Mukha siyang nagulat.
“Ang kapal ng mukha mo. Hindi porke't okay na kayo ng anak mo, ay okay na rin tayo. After what you did to me? Sa tingin mo ba-”
“That's why I'm asking for a chance. I want a chance.” sabi niya dahilan para matigilan ako.
Muli siyang naglakad papalapit dahilan para mapaatras ako. Lumalapit siya habang lumalayo ako. Natigil lang iyon ng mapasandal ako sa cabinet.
Napasinghap ako ng ikulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya.
“I know I fucked up. I broke us..but I want to give this family a chance. Chance to be together again. I want to have a complete family for my son...and for myself.” madamdaming sabi niya.
Umawang ang labi ko. Marami akong gustong sabihin pero hindi ko magawa. Para akong hinihipnotismo ng mga mata niya na pakinggan muna siya.
“Humihingi ulit ako ng pagkakataon sayo ngayon. Let me make up for those painful years that I am gone. I promise to do my best, to never commit the same mistake again.” seryosong sabi niya.
Ang mga mata ay puno ng pagsisisi at ng sakit. Kitang kita ko sa mga mata niya na nahihirapan din siya. I closed my eyes when I felt him touch my face.
“Alam kong nagkamali ako...at nagsisisi ako Maria. Hindi ko na uulitin but all I'm asking is for another chance, one last chance....” mahinang sabi niya.
Ramdam ko ang bibig niya sa may pisngi ko. Tumulo ang luha ko ng bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko noon dahil sa kaniya. Tama pa ba na bumalik sa kaniya pagkatapos ng lahat?
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomanceWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes