Magdadalawang buwan na matapos magsimula ang klase. Thank god buhay pa rin naman ako hanggang ngayon.
Nandito kami ngayon sa bahay nina Kath para mag group study. May graded recitation kasi kami sa Oral bukas.
“Ang sakit na ng utak ko, time out muna” reklamo ni Randy.
“Ay may utak ka? Talaga?” kunwari ay namamangha kong tanong na ikinatawa naman nina Kath lalo na ni Jon jon.
Sumama ang mukha ni Randy atsaka binalingan si Xavier.
“Masama ang ugali nyan, kaya kung ako sayo hiwalayan mo na.” sabi ni Randy.
Tumawa lang si Xavier sa tabi ko at iniakbay ang braso niya sa balikat ko.
“Nope” umiiling na sabi niya.Nilingon ko siya at ngumiti bago ko muling hinarap si Randy.
“Bago mo pakialaman ang lovelife ko, siguraduhin mo munang sinagot ka na ng nililigawan mo uyy, kapal mo” pangaasar ko sa kaniya.
Imbes na sumimangot at mayabang na siyang ngumisi sa akin.
“Sinong may sabi sayo na hindi niya pa ako sinasagot?”Natigilan ako at agad na napaayos ng tayo.
“Kayo na ni May?” nagugulat na tanong ni Kath.
Yun din sana ang itatanong ko pero naunahan niya ako.
“Oo, nung last month lang.” sabi niya
“Nung last month pa? Bakit hindi mo sinabi?” tanong naman ni Max.
“Hindi naman kayo nagtanong.” pagdadahilan ni Randy.
“So sa tingin mo matalino ka na sa sagot mo na yan?” sarkastikong sabi ko.
Inirapan niya ako.
“Bakit? Alam naman na ng mga jowa niyo ah.” sabi niya.Sabay sabay naming nilingon nina Maxine sina Xavier.
Nakanguso si Xavier habang nakatingin sa akin.
“Alam mo?” kunot noong tanong ko.
Alanganin siyang tumango.
“Well.....yeah?”Sumimangot ako at hinampas siya sa braso.
“Bat hindi mo man lang sinabi? Siraulo ka”Nakita kong napangiwi siya ng marinig yung salitang siraulo. Naalala ko tuloy nung nakita niya yung name niya sa contacts ko.
He made a fussed about it and ordered me to change it to BABE.
“Let's just take a break from studying.” sabi niya at isinandal ang ulo sa balikat ko atsaka pumikit.
Naiiling ko namang inabot yung Piattos na nakalagay sa mesa at kinain iyon. Kumuha ako ng isang piraso at itinapat sa bibig ni Xavier.
Natawa ako ng nakapikit siyang ngumanga at kinain yung sinusubo ko. Nang maubos yung laman ng piattos ay hindi ko muna itinapon ang lalagyan dahil sinimot ko yung cheese.
Tumayo ako at nagpunta ng kusina nila para uminom ng tubig. Naramdaman ko ang pagsunod ni Xavier sa akin.
“Tubig?” tanong ko sa kaniya.
Nakanguso siyang tumango. Ngumiti ako at nagsalin ng tubig bago ko ibinigay sa kaniya yung baso.
Habang umiinom siya ay inipon ko sa daliri ko yung cheese na nakalagay sa balat nung Piattos.
Nilingon ko si Xavier ng makitang nakahalukipkip siya habang pinapanood ako.
Nagtaas ako ng kilay at isinubo ang daliri ko at sinipsip iyon habang nakatingin sa kaniya. Umawang ang labi niya at agad na nagiwas ng tingin. Nakita ko ang pamumula ng tenga niya at ang sunod sunod na paglunok niya.
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomanceWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes