CHAPTER 21

306 21 4
                                    

“Ma with honors ako,”

Sabi ko ng makapasok sa bahay galing ng school. Nag announce ng ranking at top three ako.

Sobrang saya ko, yung lahat ng hirap ko nagbunga na. Sa isang linggo graduate na ako ng SHS. Bukod pa roon ay malapit na rin ang anniversary namin ni Xavier.

“Congrats anak,” nakangiting sabi niya atsaka lumapit at yumakap sa akin.

Ang saya saya ko para sa sarili ko pero kabaligtaran nun ang nararamdaman ko para kay Kath. Naaawa ako sa kaniya ngayon, sobra sobra ang hirap at mga disappointments niya sa buhay. Isa pa, nagkakalabuan na sila ni Ryken.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon na ang graduation ceremony namin.

“Syn, bilis na. Naghihintay si Xavier sa labas,” sigaw ni Mama mula sa labas ng pinto.

Dali dali akong lumabas ng kwarto. Sabi kasi ni Xavier ay susunduin niya na lang kami dito sa bahay.

“Tara na Ma,” nakangiting sabi ko.

Tumango siya at nauna ng lumabas. Lalabas na sana ako ng tumunog ang cellphone ko.

Papa,
       I'm sorry Syndy. I can't make it today, I have an important emergency at work. I'll make it up to you next time.

Nakagat ko ang labi ng mangilid ang luha ko. Mapait akong ngumiti.

Bakit nga ba umasa pa akong pupunta siya?

Huminga ako ng malalim atsaka ngumiti bago lumabas. Nakasandal si Xavier sa kotse niya habang si Mama ay nakaupo na sa loob.

“Hi,” sabi ko ng makalapit.

Ngumiti siya at humalik sa pisngi ko bago ako pinagbuksan ng pinto atsaka inalalayang pumasok.

“Nasaan na daw ang Papa mo?” Tanong ni Mama ng makaupo ako.

Saglit akong natigilan.
“Hindi daw po siya makakapunta, may emergency daw po,” sabi ko at pilit na ngumiti.

Hindi na nagsalita si Mama pagkatapos noon.

“Are you okay?”

Nakangiti kong nilingon si Xavier ng itanong niya iyon.

Tumango ako at maliit na ngumiti.
“Oo naman.”

Saglit niya akong tinitigan bago tumango at inabot ang kamay kong nakapatong sa hita ko. Nakangiti akong nagbaba ng tingin doon.

“Bilisan niyo na baka magsimula na,” sabi ni Mama at agad na bumaba ng kotse ng huminto ito sa tapat ng gate ng school.

Natatawa ko siyang tingnan. Mas excited pa siya sa akin.

“Your mom's really happy,” nakangiting sabi ni Xavier.

“Oo nga,” sabi ko

“Bakit?” Naiilang na tanong ko ng tumitig siya sa akin.

Kinuha niya ang kamay ko atsaka iyon pinatakan ng halik.

“I'm so proud of you don't be sad na,” malambing sabi niya.

Agad akong napangiti at tumango.

“Ako din, ang galing natin.” Natatawang sabi ko.

“I love you,”

“I love you too.”

When the program ended, My Mom and I decided to eat out to celebrate. I am happy but a bit sad at the same time.

I still don't have my father with me even just for this day.

Buti na lang kasama namin si Xavier. He chose to celebrate with us, with me.

The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon