It's almost a month since the second year started. Unlike the first year, I get to adjust more easily. Maybe because I already have a tiny bit of idea of what will be going on.
“Syn, sama ka?”
Natigil ako sa pagaayos ng gamit at napalingon kay Megan, isa sa mga kaklase ko.
“San?” kunot noo kong tanong.
“Bar tayo, have fun.”
Napangiwi ako. Having a night life isn't really my thing.
“Ewan ko, hindi ako mahilig sa mga ganyan eh. Sino bang kasama?”
“Tayo tayo lang naman nina Troy.” sagot niya.
“Kasama si Troy?” nagugulat na tanong ko.
Hindi halatang nagbabar ang isang yun.
“Yeah, so sasama ka?”
Bahagya pa akong napapitlag ng may umakbay sa akin. Nag angat ako ng tingin at nakita si Troy na nakangisi habang nakatingin sa akin.
“Ewan ko” nakangusong sabi ko.
“Text ko na lang kayo if ever” nakangiting dagdag ko.“You can invite Xavier, if you want.” sabi ni Troy.
“Oo teh, isama mo yung yumminess mo na boyfie.” pagsangayon naman ni Megan.
Natatawa akong tumango
“Sige, sasabihan ko siya mamaya” nakangiting sabi ko.“Yun naman pala eh. Kitakits mamaya.” sabi ni Megan.
“Grabe, kung hindi ko pa binanggit yung pangalan ni Xavier, hindi pa papayag.” umiiling na sabi ni Troy.
Natatawa ko siyang tiningnan at pabirong sinuntok sa braso.
“Baliw” natatawang sabi ko.
Hindi naman ako sigurado kung mayayaya ko si Xavier mamaya, baka busy rin kasi siya o kaya may gagawin. Palusot ko lang talaga yun actually, pero depende sa mood ko mamaya kung sasama pa ba ako o hindi.
“Babe.....may gagawin ka mamaya?”
Tanong ko kay Xavier habang nagmamaneho si Xavier pauwi ng condo.
Nakataas ang kilay na lumingon siya sa akin. I smiled cutely at him.
“I'll just have to finish a report. Why?”
Napanguso ako atsaka umiling.
“Wala naman......yayayain lang sana kita.” nakangusong sabi ko.“What?” tiim bagang na sabi niya habang kunot ang noo na sumulyap sa akin.
“Oo” kunot noo na sabi ko, naguguluhan sa reaksiyon niya.
“Nagyaya kasi si Megan kanina, yung isa sa mga kaklase ko, bar daw mamaya.” dagdag ko.Saglit na umawang ang labi niya nagiwas ng tingin. Tumikhim siya bago nagsalita.
“Are you going?” tanong niya.
“Ahmm...pwede?” nakangusong tanong ko.
Sumulyap siya sa akin atsaka maliit na ngumiti.
“Of course, why not?”“Sige, sabi kasi Meg kanina isama daw kita. Crush ka yata.” natatawang sabi ko.
Natatawa siyang umiling
“I don't know her babe”“Wala naman akong sinabing kilala mo” nakangiwing sabi ko.
“Are we just gonna order or.....you'll gonna cook for us?” tanong niya.
“Magluluto na lang ako” nakangiting sabi ko. “Ano bang gusto mo?” dagdag ko.
“Well.....hindi mo naman pwedeng lutuin yung sarili mo, right?”
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomanceWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes