CHAPTER 15

325 24 2
                                    

“Kath, nakapasa ka na sa nung essay natin sa 21st Century?”

Tanong ko kay Kath habang nasa loob kami ng lib. Humihiram kami ng libro sa Stat para mamaya.

“Oo na, kahapon pa. Ikaw?”

Napanguso ako dahil sa sagot niya. Lagi talagang well prepared ang babaeng ito.

“Hindi pa,mamaya gagawa na ako.” nakangusong sabi ko.

Tumango siya
“Oo gumawa ka na. Hanggang sa isang araw pa naman pwedeng magpasa, kaya mo pa yan.” nakangiting sabi niya.

Tumango ako at ngumiti. Sabay kaming naglakad papuntang room.

Next week ay tapos na ang school year namin kaya naman sobrang dami na namang requirements. Ngarag na ngarag na agad ako.

Paano pa kaya pag grade 12 ko? Naalala ko tuloy nung nakita ko si Damon noong isang araw, stress na stress sa thesis nila. Naiimagine ko pa lang na mangyayari yun sa akin feel ko hihimatayin ako sa defense.

Kumakain ako ng tinapay habang gumagawa ng essay. Katatapos ko pa lang kumain ay pumasok na agad ako sa kwarto para simulan ang ginagawa ko.

Hindi ko pa nga tapos yung essay ay kailangan ko pang gawin yung project sa P.E. na hindi ko naman alam kung paano kasi wala naman akong laptop. Sarado na rin naman yung computer shop. Pwede pa naman ipasa sa isang araw kaso minus points na tapos yung pang assignment ko sa General Math.

Ang hirap talaga pag bopols ka na nga, tamad ka pa. Char.

“Shocks, mali” mahinang sabi ko at binura yung isang sentence na sinulat ko sa draft.

Naiinis na ginulo ko ang buhok ko atsaka huminga ng malalim. Pinagpatuloy ko ulit ang pagsusulat.

Nang tumunog ang cellphone ko ay hindi ko ito sinagot at hinayaan lang mag ring. Sigurado akong si Xavier yun. Nang hindi ko na natagalan ang ingay ay pinatay ko ito.

Nangunot ang noo ko ng tumunog na naman ito. Inis ko itong kinuha at sinagot.

“Hello babe-”

“Pwede ba Xavier? May ginagawa ako, istorbo ka eh.” pasigaw na sabi ko.

Natahimik ang kabilang linya.

“Sorry...” mahinang sabi niya.

Nakagat ko ang labi ko ng mabakas ang lungkot sa boses niya.

“I was......I am here outside your house” mahinang sabi niya.

Nanlaki ang mata ko at napatayo.
“A-ano? Anong ginagawa mo diyan?”

Natahimik siya saglit bago muling sumagot.

“Come outside. Sandali lang, I promise.”

Binaba ko na ang tawag at dali daling lumabas ng kwarto. Sarado na ang ilaw namin dahil gabi na rin. Sigurado ako na tulog na si Mama.

Dahan dahan akong lumabas para hindi makagawa ng ingay. Nayakap ko ang sarili ko ng umihip ang hangin.

Nakalimutan kong magsuot ng jacket. Nakasando at short nga lang pala ako. Nagmadali kong binuksan ang gate. Nakita kong nakaparada ang sasakyan ni Xavier doon habang nakatayo siya at nakasandal sa kotse niya. Nakayuko siya at pinaglalaruan ang susi ng kotse niya.

Nag angat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

Naglakad siya papalapit kaya sinalubong ko siya.

“Anong ginagawa-”

“Why didn't you wear a jacket? It's cold here.” pagalit na sabi niya.

The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon