CHAPTER 10

345 18 2
                                    

Nangangalahati na ang buwan ng Mayo. Nakahilata ako dito sa bahay dahil wala akong magawa. Si Mama naman ay umalis na papuntang trabaho.

Ang panget ng bakasyon ko, walang masyadong ganap.

Nanonood ako ng tv ng may biglang kumatok sa gate. Kunot noo akong tumayo.

“Sandali” sabi ko ng buksan ang pinto.

Naglakad ako papuntang gate. Nang buksan ko ito ay mas lalong nangunot ang noo ko ng makita si Xavier na nakatayo sa harap ng gate namin.

“Hi” nakangising sabi niya

Okay na kami. Lagi pa rin siyang nangaasar at lagi pa rin akong naaasar sa kaniya pero okay kami.

“Anong ginagawa mo dito?” masungit na tanong ko.

“Ang aga-aga, ang sungit mo” nakangiwing sabi niya.

“Ang aga-aga nasa layasan ka na agad” sabi ko.

Sinimangutan niya ako kaya inirapan ko siya.

“Oh” sabi niya at inabot sa akin ang isang blue na sobre na may mga gold color design.

“Ano ito?” takang tanong ko ng kuhanin yung sobre.

“Birthday ni RJ sa isang araw, invitation yan.” sabi niya.

Nagugulat akong tumingin sa kaniya
“Ah talaga?”

“Yup” tumatangong sabi niya.

Tumango ako at nag angat ng tingin sa kaniya.
“Ahm....gusto mong pumasok muna?” alanganing tanong ko.

Kagat labi niyang sinulyapan ang bahay namin.
“Sinong kasama mo?” tanong niya.

Saglit akong natigilan
“W-wala, nasa trabaho si Mama ngayon.” sabi ko

Tumango siya atsaka ngumiti.
“Next time na lang. Baka pagsamantalahan mo ako.” nakangising sabi niya.

Sumama ang mukha ko
“Ang kapal mo ah, baka ako ang pagsamantalahan mo” nakangising sabi ko.

Saglit siyang natigilan atsaka nagkibit balikat. Nagugulat akong tumingin sa kaniya.

Natatawa niyang pinitik ang noo ko.
“Pumasok ka na sa loob. Ilock mo ang pinto para hindi kita mapasok.” natatawang sabi niya.

“Siraulo” sigaw ko sa kaniya atsaka pumasok sa loob at sinaraduhan ang gate.

Narinig ko pa ang tawa niya mula sa labas. Baliw talaga yung walang hiyang yun.

Gabi naman yun simula ng party kaya makakabili pa ako ng pang regalo. Wala nga lang aking idea kung ano ang ireregalo ko.

“Ma, invited po ako sa birthday party nung isang kaibigan ko. Bukas yun ng gabi, Ma” sabi ko kay Mama.

Kumakain kami ng gabihan ni Mama.

“Sinong kaibigan?” tanong ni Mama.

“Si Ryken po” sabi ko.

Tumango si Mama at uminom ng tubig.
“Sige, sa isang araw pa naman ako nakaschedule mag overtime.”

Ngumiti ako at tumango. Bago ako matulog ng gabing yun ay naisipan kung tawagan si Kath, itatanong ko kung anong regalo niya para sa bebe niya bukas.

“Party na para sa kanya. Kaloka ka. Bahala ka nga diyan.” nakangiwing sabi ko at binabaan siya ng tawag.

Nakakaloka talaga yung babaeng yun. Hindi man lang nagaalam kung anong meron bukas. Patawag tawag pa ako sa kaniya wala naman akong napala.

The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon