CHAPTER 13

292 17 0
                                    

“Are you free next weekend?” tanong ni Xavier habang naglalakad kami papunta sa bookstore.

Bibili kasi ako ng bagong libro. Nabanggit ko sa kaniya kahapon habang nasa school kami kaya nagpumilit na sumama. Siya nga ang sumundo sa akin sa bahay.

“Hmm, oo yata. Wala naman akong gagawin. Bakit?”

Pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago siya sumagot.

“It's my Mom's birthday...”

Nagugulat ko siyang nilingon
“Talaga? Advance Happy Birthday sa Mama mo” nakangiting sabi ko.

Tumango siya at nakagat ang labi.
“Your invited” nakangiting sabi niya

Natigilan ako at bahagyang umawang ang labi
“Ha?”

Nagkibit balikat siya at kinuha ang isang libro at pinakita sa akin.
“Nabasa mo na?” tanong niya at itinaas ang libro.

Sinulyapan ko yun atsaka ako tumango. Nabasa ko na yung librong iyon.

“T-teka anong ibig mong sabihin kanina? Invited ako?” sabi ko at hinabol ko siya dahil nauna na siyang naglakad sa akin.

“Mom said that I can invite my friends so......I'm inviting you” sabi niya atsaka nilingon ako.

Dahan dahan akong tumango at tumaas ang kilay.
“So were.......friends?” nakangising tanong ko

Natigila siya at umawang ang labi.
“Well......” he said then licked his lips.
“For now, I guess” nakangising dagdag niya.

Naitikom ko ang labi sa kawalan ng sasabihin. Nakanguso akong nagiwas ng tingin at nauna ng naglakad. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago sumunod sa akin.

Sa huli ay limang libro ang napili ko. Hindi ko naman sana bibilhin lahat pero bigla na lang iyong kinuha ni Xavier at binayaran.

“Babayaran kita pagnakaipon ako.” nakangusong sabi ko

“I told you, it's fine. I can even buy the whole book store for you, babe.” nakangising sabi niya.

Napangiwi ako sa kayabangan niya. Nung nasa labas na kami ng mall ay siya na mismo ang nag abang ng tricycle para sa akin. Siya na rin ang nagbayad.

Nakanguso ako habang nasa byahe pauwi. Nakita ko kasi na nakasunod sa amin yung kotse niya. Hindi niya nga ako hinatid, sinusundan niya naman ako. Naiiling na lang ako at bahagyang napangiti.

Nang huminto ang tricycle sa harap ng bahay ay agad akong bumaba at nagpasalamat sa driver.

Nang makaalis ang tricycle ay huminto naman ang kotse ni Xavier sa harapan ko. Malawak ang ngisi niya ng buksan ang bintana.

“Anong trip mo?” nakangiwing tanong ko

“I just wanna make sure that your safe” nakangising sagot niya.

Napairap ako sa kaartehan niya. Magsasalita na sana ako ng biglang may huminto na tricycle sa harap. Nanlaki ang mata ko ng lumabas doon si Mama.

Nakataas ang kilay niya at nagpapalipat lipat ang tingin sa amin ni Xavier na naestatwa sa loob ng sasakyan.

“M-ma, maaga po yata kayo” bati ko sa kaniya ng makalapit siya sa amin.

Nakita ko ang pagsulyap niya kay Xavier bago tumango at hinarap ako.
“Oo, half day lang ako ngayon.” sabi niya at bumaling kay Xavier.

“Sino itong kasama mo?”

Nakagat ko ang labi at sinulyapan si Xavier.

“Ahh si....Xavier po Ma.” sabi ko

The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon