CHAPTER 33

436 23 2
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko nang magsimula ng maglakad si Xavier palapit sa gawi namin. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Maven na ngayon ay wala pa ring kaide-ideya sa kung anong nangyayari.

Huminto siya sa harapan namin atsaka iniluhod ang isang tuhod niya para magpantay sila ni Maven. Bawat minuto ay mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko.

“Hi” nakangiting bati niya kay Maven.

Nakagat ko ang labi at nag baba ng tingin kay Maven. Nagtataka itong nakatingin sa akin, nagtatanong ang mga mata. Pilit akong ngumiti atsaka tumango.

“H-hello po, sino po sila?” inosenteng tanong niya kay Xavier.

Saglit na sumulyap sa akin si Xavier bago inilahad ang kamay niya kay Maven.

“Xavier. Xavier Perez, ikaw?”

Ngumiti si Maven at tinanggap ang kamay niya. Nagtataka ako dahil hindi nagsusungit ngayon si Maven kahit hindi niya pa masyadong kakilala si Xavier.

“Maven po. Maven Cruz”

Tumango si Xavier atsaka tumayo. Diretso ang madilim niyang tingin sa akin.

“I'll take you home. We'll talk” mariin na sabi niya, tila hindi papayag pag hindi nakuha ang gusto.

Tahimik lang kami dito sa loob ng sasakyan. Nasa shot gun seat ako nakaupo habang nakaupo sa hita ko si Maven.

Pakiramdam ko ay ito na ang pinakamatagal na byahe namin pauwi ng bahay.

“Mister Xavier......para pong pareho tayo ng eyes” inosenteng sabi ni Maven.

Nanlaki ang mata ko atsaka sumulyap kay Xavier na nakatingin na rin sa akin at pinapanood ang reaksiyon ko. Nagbaba siya ng tingin at ngumiti kay Maven. Hindi ko lang alam kung guni guni ko lang ba o talagang kumikislap ang mata niya dahil sa mga luha.

Nakagat ko ang labi at nag iwas ng tingin. Pati ba naman yun napansin pa rin ni Mavy.

“You think so too, huh?” sagot naman ni Xavier at bahagyang sumulyap sa akin.

Bumaling sa akin si Maven.
“Mommy, pareho po kami ng eyes. Bakit po?”

Napalunok ako dahil hindi malaman ang isasagot sa anak ko. Bahagya akong sumulyap kay Xavier at agad din nagiwas ng tingin ng masalubong ang tingin niya.

“K-kasi Mavy.....” nakagat ko ang labi ng hindi madugtungan ang sasabihin.

“Kasi po, why Mommy?” inosenteng tanong niya.

“Mommy will....tell you later, when....we get home, okay?” mahinang sabi ko, sapat na para marinig niya.

Nakakaintindi siyang tumango atsaka muling humarap sa unahan. Ako naman ay natulala na lang din sa unahan. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari. Parang ang bilis naman masyado tsaka ano ba kasing ginagawa ni Xavier dun sa labas ng school ni Maven?

Sasabihin ko na ba sa anak ko? Itatanggi ko ba iyon kay Xavier? Alam kong may ideya na siya kung sino si Maven, kung ano niya si Maven. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko. Alam kong gusto niyang makilala yung tatay niya pero hindi naman yun ganoon kadali.

Lord naman, sabi ko hihingi pa lang ako ng tulong. Ang advance niyo naman po, hindi tuloy ako prepared.

Halos talonin ko na palabas ng sasakyan niya ng huminto ito sa tapat ng bahay namin. Dali dali akong lumabas at ibinaba si Maven.

“Thank you po sa paghatid Mister Xavier” sabi ni Maven sa kaniya.

Tumango si Xavier atsaka yumuko para magpantay sila ni Maven.
“M-maven....can I talk to your Mom for a moment?”

The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon